TRAVELBOOK NOW!

Thursday, July 1, 2010

..and also the new Vice President of the Philippines..Jejomar " Jojo " Cabauatan Binay

Binabati ko rin ng taos sa aking puso ang pagkakapanalo at ngayon ay bagong Bise - Presidente ng ating bansa , ang dating mayor ng Makati na si Jejomar Binay.

Obviously, hindi ko siya ibinoto.

Si Senator Mar Roxas ang bet ko nitong nakaraang Eleksyon ng Mayo 10, 2010.

Subalit nagsalita ang mas nakararaming mga Pilipino.

Ikanga , Vox Populi ,Vox Dei.

The voice of the people is the voice of God.

Marahil ay siya ang itinadhana at itinalaga ng Diyos upang tayo ay pangunahan tungo sa isang Bagong Pilipinas!

Sana lang ay hindi nagkamali ang halos 13 milyong Pilipino na nagtiwala at bumoto sa ating iginagalang na bagong Bise- Presidente Jojo Binay.

At ang kanyang slogan na " Kay Binay, Gaganda Ang Buhay " , ay hindi manatiling liriko lamang ng isang campaign jingle na pagkatapos ay wala ng kabuluhan.

Panahon na ngayon ng pagkakaisa at hindi pagbabangayan. Bawat isa ay tumulong kung ano ang kanyang maiko-kontribusyon o maiaambag para sa kaunlaran ng bansa, hindi ng kanyang sarili.

Kalimutan na ang hidwaan at pagkakanya-kanya.

Kayong dalawa ng Pangulong Noynoy Aquino ay magkasamang bumalangkas ng mga paraan at alituntunin kung paano maiaahon ang ating bansa mula sa kahirapan tungo sa kaunlaran.

Nasa likod lamang ninyo ang mamamayang Pilipino na umaasa at nagtitiwala sa inyo.

Goodluck Mr. Vice President Jejomar " Jojo" Cabauatan Binay.

It's time to work and time to heal the nation.

No comments:

Post a Comment