TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, July 13, 2010

2010 FIFA World Cup

Wagi ang bansang Espanya sa katatapos na 19th FIFA World Cup na ginanap sa South Africa.

Super hype ang staging ng World Cup ngayon ha dahil sa prestihiyosong pagtatanghal ng host country na South Africa sa kanilang bansa , complete with theme song na Waving Flag ni K'naan and the Canadian Young Artists.

Pero ang nakakaloka ay ang animal oracle na si Paul The Octopus na isang magaling daw na manghuhula. Dyusko, pati pala hayop ngayon ginagamit na din sa panghuhula, kalokha huh.

Sikat na sikat ngayon at instant celebrity ang status ng Octopus na ito ha dahil nahulaan daw niya ng tama kung sino ang mga mananalo sa katatapos nga na FIFA World Cup. At tama nga ang kanyang hula na Spain ang mananalo na siyang nagkatutoo.

Ang siste ay bibigyan siya ng dalawang kahon na may lamang favorite niyang pagkain na mussel o tahong at kung anong box ang mapili niyang buksan na may nakadikit na flag ng isang bansa ay iyon daw ang mananalo.

Ayon sa mga nag-institute ng nasabing media hype ay 100% accurate daw ang mga "predictions" na isinagawa ng nasabing pugita. At sa kahuli - hulihan ay tama din ang ginawa nitong pagpili sa box ng bansang Spain na siya ngang itinanghal na panalo sa nasabing palaro.

Putsa, pati ba naman pugita ay ginagamit na rin ngayon sa divination. Eh ang kuting ko kayang si Muning marunong ding manghula ng winning number combinations sa lotto mamayang gabi? Try ko kaya siyang tayaan he he he.

At dahil natalo ang Germany na siyang bansang kumukupkop at nag-aalaga sa genius na pugitang ito, ay pinag-iisipan na daw ng mga chef na Germans kung anong putahe ang masarap iluto mula sa karne ng isang octopus he he he. Patay ka, atado ka ngayon Paul , The Octopus.

No comments:

Post a Comment