TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, June 2, 2010

Sex Education




Heto nga at lumabas na ang utos ng DepEd na ituro ang Sex Education sa mga eskwelahan bilang paghahanda sa mga kabataan patungkol sa bagay na ito na karaniwang hindi naman itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kaya naman usually ay natututunan nila ito sa ibang tao bilang eksperimento o eksplorasyon sa kanilang mga sarili.

Pabor ako sa kautusang ito ng DepEd. Sa malayang pagtingin, mas maiintindihan at maimumulat ang mga kabataan sa kung ano ang puwedeng mangyari sa kanila kung sila ay papasok sa ganitong bahagi ng kanilang buhay.

Sa palagay ko ay mas magagabayan ng tama ang mga mapupusok na kabataan sa kanilang kahihinatnan kung sila ay maagang mamumulat sa kapusukan.

At heto na naman ang Simbahang Katoliko at umaalma na naman.

Hindi pa man naipapatupad ay may batikos na naman mula sa mga holier than thou.

Tila ba napakasama ng Sex Education!

Ang tutoo , ito nga ay turo mula sa Diyos!

Hindi nga ba ang utos Niya ay humayo tayo at magpakarami he he he he.

O eh bakit sinasansala na naman ng mga Manong?

Sa palagay ko, maituro lamang ng tama ang Sex Education , mas mauunawaan nila ang repercussions nito sa kanila kaysa hindi.

Hindi naman siguro mga positions at dog 0 helicopter style ang ituturo ng mga teachers ano? Ha ha ha ha.

O hindi naman siguro sila pagsasauluhin ng Kama Sutra at pag-eeksamin tungkol sa mga libro nina Masters and Johnson at Alex Comfort noh.

It's about time na mamulat ang mga kabataan tungkol sa pros and cons ng sex. Ang advantage at disadvantage nito. At kung ano ang kabutihan at samang idudulot nito kung hindi gagamitin ng tama.

Yun lang, period.

No comments:

Post a Comment