TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, June 22, 2010

Ngipin


Kapag Pasko, naririnig ko ang kanta ng pamosong The Chipmunks na sina Alvin, Simon at Theodore na " All I Want For Christmas Is My Two Front Teeth"

At naalala ko ang aking ngipin hi hi hi hi.

Marami akong ngipin. Nuong hindi pa ako nabubunutan ng aking mga "unwanted tooth", ang bilang ko nuon ay 27 ito lahat lahat.

Ngayon, 24 na lang ito, pinabunot ko na ang dalawa sa aking tatlong "unwanted tooth". May natitira pang isa. Isang sungki na bagang.

Yung isa sa unwanted tooth ko na iyon ay isang pre- molar na nasa likod ng nasa harapan kong premolar o bicuspid. Na late yata siya ng tubo kaya sa likod na lang siya lumabas . Kung di ako nagkakamali, ito yata yung tinatawag nilang case of "impacted tooth"?

Kailan ko lang siya pinatanggal sa isang public dentist. Di ko naman kasi kailangan ang maraming pre-molar noh!


Yung isa naman sa aking mga unwanted tooth ay isang bagang o molar na nasa ibaba ng aking panga. Di ko siya pinabunot. Kusa na lang siyang natanggal o nawala-kasi nabulok na siya .Nakasandwich kasi siya between two teeth , sa bandang ilalim nila, kaya hindi naaabot ng toothbrush, kaya hayun, sa katagalan ng panahon, nabulok na lang siya .

Isa na lang na unwanted tooth ang natitira sa aking mga ngipin. Ito ay isa
na namang pre-molar na nasa ilalim ng aking gilagid na tila ba nagpipilit lumabas, pero hindi makalabas dahil may nauna nang dalawang ngipin sa kanya . Ewan ko ba bakit ganito sila.

Baka bulok na din siya sa ilalim. Kasi minsan sumasakit siya eh. Hindi pa ako makapag-decide kung ipapatanggal ko na siya o hindi pa. O hihintayin ko na rin lang siya na matunaw at kusa na lang na malaglag tulad nung isa . Naka sandwich kasi siya sa dalawang ngipin kaya mahirap magdecide kung aalisin siya o hindi na lang.

Ayon sa encyclopedia, ang isang baby ay tinutubuan muna ng first set of 20 Primary o Baby Teeth, sampu sa taas, sampu sa ibaba.

At habang tumatanda ang tao, at least bago siya mag puberty, ay dapat unti unti nang nalalaglag ang unang 20 mga primary teeth na ito at mapalitan ng aabot sa 32 Permanent Teeth na siya nating gagamitin sa pagnguya hangggang sa tayo ay pumanaw.

Eh 27 lang ang ngipin ko ah. Ibig sabihin kulang pa ako ng lima? Ngek. Eh sa 27 pa nga lang eh feeling ko ang dami dami ko nang ngipin tapos dadagdagan pa ng apat! Eh tinanggal ko pa yung dalawa, so ibig sabihin kulang na ako ng pito ngayon . Ayaw ko na silang madagdagan pramis! Tama na ito!

Iba iba rin sila ng edad mo kung lumabas o tumubo. Merong, tsikiting ka pa lang ay tumutubo na. Merong tumutubo kapag teenager ka na. Pinakahuli sa paglabas ay ang 4 na mga wisdom teeth: ang dalawang third molar sa maxilla(itaas na panga) at dalawang third molar sa mandible(ibabang panga). Lumalabas sila between the age of 18 and 21, ang dalawang age kung saan nag dedebut ang mga babae at lalaki respectively na kung saan sinasabing mayruon na silang karunungan o wisdom--kaya hayun wisdom teeth din ang ipinangalan sa kanila.

Ako, tamang tama, 21 ako at nag dedebut nang mag-umpisang magparamdam ang aking mga wisdom teeth!

Ang complete set of 32 Permanent Human Teeth ay ang mga sumusunod:

8 INCISORS( flat front teeth used for cutting) 4 maxillary lateral(2) and central(2) incisors at 4 mandibular lateral(2) and central(2) incisors ( ako, dalawa lang ang maxillary incisors ko)

4 CUSPIDS OR CANINES( long,"pointed" front teeth used for cutting and tearing foods) 2 left and right maxillary cuspids and 2 left and right mandibular cuspids( perfect ang cuspids ko)

8 BICUSPIDS OR PREMOLARS( the teeth with two cusps or "points" which is used for chewing and mastication of food) 2 maxillary first premolars and 2 maxillary second premolars plus the two mandibular first premolars and the other two mandibular second premolars( this time 2 rin lang ang maxillary premolars ko na dapat sana'y apat)


12 MOLARS( rearmost of all the teeth and has 4 cusps used for grinding food) 2 maxillary first molars, 2 maxillary second molars and 2 maxillary third molars(upper wisdom teeth) plus the 2 mandibular first molars, 2 mandibular second molars and the last 2 mandibular third molars( lower wisdom teeth)........ ( strangely enough tag apat lang ang maxillary at mandibular molars ko; what does this mean? Hindi pa lumalabas ang mga wisdom tooth ko huh??!!)


Yan ang kabuuan ng ating mga ngipin.


Ang ngipin ay binubuo ng 3 bahagi ang Crown, na siyang nakikita natin sa labas, ang Neck at ang Root, na binubuo ng mga nerves at blood vessels. Mayruon itong 4 na parte:


Enamel- the white and hardest part of the tooth which covers it.

Dentin-the part next to enamel which is softer and protects the dental pulp.

Cementum- a bony substance covering the root of a tooth.

Pulp-the central part of the tooth which is filled with blood and nerve vessels.

Yan lang naman ang anatomy ng isang ngipin. Wag na nating uriratin ang iba pa, iwan na natin yan sa isang Dentist.

Bihira akong pumunta sa Dentista. Ito'y dahil sa hindi naman ako madalas na sinasakitan ng ngipin o nagpapabunot dito.

Ang natatandaan ko, minsan pumunta ako sa isang dentista upang ipakayod ang aking isang front Incisor dahil nakita kong nabubulok na ang likod nito. Ayaw kong ipabunot kasi kako ayaw kong magpapustiso. Ang ginawa naman niya ay tinanggal lang at kinayod yung konting bulok na parte sa likod ng Incisor na yun, tapos ay pinapastahan ko.

Kaso ilang araw ang makalipas, habang kumakain ako ng isang manggang hilaw, pagkagat ko nang malakas ay eksakto....naputol ang nasabing incisor na pinakayod ko mula mismo sa puno nito

Kaya naging instant bungi tuloy ako. Ang nangyari naging masyadong manipis pala ang aking ngipin kaya madali na lang itong nabali kahit sa simpleng pagkagat ko lang.

Ang siste balik ako sa dentista para magpasukat ng pustiso. Kaya ngayon ang isang Incisor ko ay pustisado na.

Hindi rin naman ako madalas magsipilyo. Twice a day lang ako magsipilyo. Hindi katulad ng iba na makangata lang ng kendi ay nagsisipilyo na agad. Dati nga nung bata bata pa ako ay once a day lang he he he. Biro nga nila sa akin, kapag nakikita nila akong nagsisipilyo, ay tinatanong ako kung saan ako pupunta. Bakit ikako, hindi naman ako aalis. At sasabihin nila, kasi daw nagsisipilyo ako, eh nagsisipilyo lang daw ako kung aalis lang ha ha ha ha.

Ang sabi ng Nanay ko, kapag may nabungi ka daw na ngipin ay itapon mo sa bubong ng bahay ninyo para palitan daw ng ngipin ng mga daga na matitibay. At sabay recite nito:

" bao ,bao ngipin mow ta ngipin kow
ta ngipin kow ta ngipin mow"

O di ba tongue twister he he he.

Ayaw ko ngang magkaruon ng ngipin ng daga.

Kasi baka mamaya pati haligi namin ay ngatngatin ko na.

At saka baka habulin ako ni Medyas ha ha ha ha.

1 comment:

  1. Nako, kakasabi lang sakin ng dentist ko na may impacted tooth din ako, at kelangang tanggalin via surgery. Ang scary! =( At ang mahal, sobra. I wrote about it in my blog, please check it out. Salamat!

    ReplyDelete