TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 24, 2010

Man's Best Friend

Ang aso daw ang Man's Best Friend.

Naniniwala ako sa pariralang ito. Wala nang iba pang mas loloyal o tatapat pa sa isang aso.

Ang aso, paluin mo man, hambalusin, latiguhin,tadyakan, sipain,bambuhin ng ilang beses- pag-uwi mo galing sa trabaho, masaya pa rin itong sasalubong at iwawagayway ang kanyang buntot, tanda na masaya siya sa pagdating ng kanyang amo kahit kanina lang ay hinarass siya nito!

Hindi marunong magtanim ng galit ang mga aso.

Basta alam niyang pinapakain mo siya at inaalagaan ay sasambahin ka niya hanggang sa siya ay mamatay.

Ikaw ang kanyang panginoon.

Marami na rin kaming naging alagang aso. Puro lokal at askal, wala pa akong naaalagaang imported. Lahat sila iisa ang ugali: Loyal

Naalala ko yung isang tuta na naging alaga namin nuon. Dahil umihi siya sa loob ng bahay ay pinalo at talagang sinadista ko ang kawawang aso sa aking galit.

Ang ginawa nung tuta, nang binuksan ko ang pinto, nagtatakbo palabas ng bahay na bahag ang buntot, at simula nun ay hindi na namin siya nakita!

Meron pa akong picture na may kalong akong aso kasama ang aking mga mahal na Lolo at Lola.

Mahilig ako sa aso. Pero hindi ako mahilig mag-alaga nito. As in papaliguan mo lagi at pakakainin. Ayoko ng responsibilidad. Lalo na sa hayop.

Pero may isang aso na aking inalagaan simula nung tuta pa lang siya hanggang sumapit ang "trahedya" sa kanya.

Paborito ko ang asong yun. Makapal ang balahibo nya pero bansot. As in hindi sya lumalaki kahit na tumatanda na siya. Napunta siya sa amin nung time na wala akong kaibigan at mahilig mapag-isa. Teenager ako nun. Siguro siya ang itinuring ko na nag-iisang kaibigan.

Lagi ko siyang pinapaliguan araw araw. Pinapakain. Sinisipilyuhan ko pa yun. Pinupulbusan.At inaalisan ng garapata at kuto. Katabi ko siyang matulog. At lagi syang nahihiga sa paanan ko. Kapag dumarating ako, nandyan agad siya at nakasalubong sa akin; winawagayway ang buntot at dinidilaan na ang aking mga paa.

Isang araw, dumating ako na tila ba walang Jumbo na sumalubong sa akin! Nagtaka ako. Maraming tao sa bahay. Dumating pala ang isa kong tiyuhin nung araw na iyun galing sa abroad.

Kinabahan ako! Nang tanungin ko ang isa kong pinsan kung nasaan si Jumbo, muntik akong himatayin sa tinuran nya.

" Ipinakatay ng Papa mo para daw handa sa pagdating ni Tito"

Blaggg!!!!!!

Yun ang isang trahedya na una kong naranasan regarding sa pag-aalaga ng hayop.Kaya simula nun, di na ako nag-alaga ng hayop. Ayoko kasing matulad sila kay Jumbo!

Mahilig kumain ng karneng aso ang Tatay ko. Natatandaan ko, kapag panalo siya galing sa sabong, may uwi o pasalubong iyan na karneng ulam. At kaming magkapatid bilang mga bata ay sarap na sarap na lalantakan ang nasabing putahe.Kahit medyo maanghang ito.

Tapos biglang sasabihin ng tatay ko, " karneng aso yan he he he he"

Sige pa rin kaming magkapatid sa pagkain. Wala kaming pakialam. Masarap eh!

Pero nag-iba nung araw na katayin si Jumbo. Pagbukas ko ng ref, nakita ko duon ang ibat-ibang mga laman loob ni Jumbo na nakalagay sa mangkok. Nasuka ako sa naamoy at nakita ko.
Simula nun, nasusuka na ako kahit makakita lang ng karne ng aso.

O kahit makatanaw lang ng isang asong kinakatay, bumabaligtad na ang sikmura ko.Argghhhhh!

Nasa balita isang araw, may nasabat daw na 70 askal na nakasakay sa isang van. Dadalhin sa Baguio, ibebenta sa mga restoran duon na kumakatay ng mga aso.

Kamakailan lang muling kumatay ng aso sa amin. Kinatay dahil pasaway daw ang nasabing aso. Marami nang nakagat at mahilig pang umebak sa kung saan saan.

Ang ending naging pulutan si Oman, aw aw aw aw!

Ito ang isang kanta na dedicated ko kay Jumbo at sa iba pang asong sumalangit na sa Dogheaven:

ASO - SIAKOL

Ako’y may alaga asong mataba Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya kaming dal'wa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya’y sumusunod Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin Lalo’t maamo at masunurin
Sila’y alagaan at wag pabayaan Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako mahal ko rin sya Paglalambing niya aking damang dama

Pag siya’y binabato, aking pinagtatanggol Pag ako’y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaibigang tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop ay dapat ding mahalin Lalo’t maamo at masunurin
Ngunit minsan ay di mo rin akalain Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso ko’y nauulol Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya ganon na lang ang aking pagtataka

Ako’y may alaga asong mataba Bunto’t ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na!


No comments:

Post a Comment