TRAVELBOOK NOW!

Saturday, June 5, 2010

Mabait

Mabait.....

....iyan ang tawag sa pinakapesteng hayup na nabuhay dito sa mundo!

Mabait pa hmmpppp! I wonder kung bakit iyan ang tawag ng mga nanay sa peste na ito.

Ang sabi sa akin ng Nanay ko,kasi daw para hindi sila maging mabagsik sa iyo at ayaw mong maubos ang mga damit at gamit mo dahil sa kakangatngat nila. Ganyan daw katalino ang mga pesteng yan huh. Kesyo kilala daw nila kung sino ang mga tao na malupit sa kanila at ginagantihan daw nila ito sa pamamagitan ng pagsira sa mga damit at gamit nito.

Kaya pala ang Nanay ko, butas butas na ang mga blusa.

Para sa akin peste talaga ang mga hayup na ito.

At ewan ko ba sa Diyos kung bakit naisip pang likhain ang walang kwenta at silbing nilalang na ito na walang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo sa mga tao.

At ewan kung ano kaya ang naging inspirasyon ni Walt Disney at naisipan niyang gawin si Mickey Mouse!

Eh si Michael Jackson nga kinaibigan pa si Ben ha ha ha ha.

Eh ang Warner Brothers kaya saan nakuha ang inspirasyon para sa Mehikanong si Speedy Gonzales?

Si Willard lang siguro ang matutuwa sa mga pesteng hayup na ito huh!

Meron kaming maliit na tindahan.

At sa tindahang ito ako madalas natutulog.

Ilang beses na akong nabulabog at bumalikwas mula sa pagkakahimbing, dahil sa likot at ingay na ginagawa ng mga bubuwit na ito.

Ilang beses na rin akong kinagat ng mga ito sa aking daliri. Sabi ng Nanay ko, hindi daw kasi ako naghuhugas ng kamay pagkatapos kumain. Kaya napagkamalan daw sigurong kikiam o hotdog ang aking daliri he he he he.

Buti na lang di ako nagka - rabies.

Tuwing umaga paggising ko, santambak na sitsirya at tinapay ang madaratnan kong nginatngat ng mga dagang ito. Minsan nga pati yung mga itlog na paninda namin ay makikita na lang naming wala nang shell kapag umaga. At ang pinakamatindi , pati yung mga sachet ng shampoo ay hindi pinapatawad ng mga hayup na ito! Kung mechanical lang yata ang mga ngipin nito siguradong ubos din ang aming mga de lata.

Mga wala talagang magawa.

Ang ginawa namin nag-alaga kami ng pusa. But then isang umaga, nakita na lang namin na todas na ang pusang alaga namin. Super bulilit naman kasi ng pusang ito na ang mga kakalabaning Mighty Mouse ay mas malalaki pa yata sa kanila. Nakita ko na lang na nakabulagta na ang aming Garfield at puno ng kalmot at sugat duon sa ilalim ng aming lamesa. Hitsurang nilapa at kinatay ng sanrekwang mababait na yan ha ha ha ha.

Kaya siguro paborito ko si Sylvester the Cat, kasi feeling ko ay ako ang pusa na lalapa at magiging Raterminator sa mga pesteng ito. Kaso ang luka lukang Sylvester, ang ibong si Tweety naman ang pinepeste .

Ginawa na rin namin lahat ng paraan para mapatay ang mga mababait na ito.

Nandyang maglason kami. Epektib naman. Kasi ang mga matatalino at matatakaw daw na daga kinakain ang mga patibong na lason na papatay pala sa kanilang buhay. Kung matatalino yan eh ba't kumakain ng lason na gawa namin na hinalo lang sa lugaw ha ha ha ha ha.

Epektibo sana ito, kaso kinabukasan ay kailangang itaob mo ang buong bahay ninyo para mahanap kung saan sumuot ang mga naghihingalong mababait na ito. Dahil kung hindi ay aalingasaw ang pinakamabahong amoy na maaamoy mo sa buong buhay mo! At babaligtad ang sikmura mo sa pagtanghod sa nabubulok at inuuod na mga bangkay nito. Yikes!

Sinubukan ko din yung maglagay ng mousetrap cage para sa kanila. Pinainan ko lang naman ng isang tinapay. At presto kinabukasan may nahuli akong isang pagkalaki-laking daga sa loob ng hawla. Nag-uumalpas siya at gustong kumawala lalo na nang makita ako. Siguro sabi niya " patay ako dito, tiyak totorturin ako nito" .

Hindi nga siya nagkamali. Una nagpakulo muna ako ng tubig. At nung sumisirit na ang kumukulong tubig na ito ay unti unti kong ibinuhos sa mabait na ito . Hayun nagkikisay ang lokah ha ha ha. Pero buhay pa din ang hayup! Tinusok tusok ko ng barbecue stick. Umiingit ang loka. Nagmamakaawa yata. Akala naman niya maaawa ako. After nang mga ginawa niya. Hmmppp, walang pata-patawad . Maya maya pa bumigay din ang bubuwit. Namatay din sa mala-Jigsaw at Freddy Kruger na tindi ng torture na ginawa ko.

Kinagabihan nag set -up ulit ako ng pain. Isang malaking monay naman ang inilagay ko.

Presto kinabukasan may huli ulit ako. This time mas maliit kesa nung una. Torture to the max ulit ang banat ko. Dinaig ko pa si Jason Vorhees ,Freddy Kruger at Leatherface sa mga torture na ginawa ko sa kanila he he he. Kung nabuhay nga ako nung Inquisition, tiyak may award ako dahil sa ginawa ko sa mga mababait na ito .

Pero nung sumunod na mga gabi na nag-set up ulit ako ng patibong para mabitag sila ay wala nang kumagat sa pain ko. At nung sumunod na mga gabi pa ay wala nang naglalaman sa espesyal na hawla ko. Tila ba nakatunog ang mga lokah at nag-general meeting yata na huwag kakagat sa patibong ko. Ha ha ha ha. Matatalino nga ang mga daga!

Hanggang ngayon andami pa ring nagtatakbuhan sa aming bahay lalo na kung gabi. Minsan mga bulilit na daga na tila ba nakikipagpapatintero sa amin kapag aming hinahabol. Minsan bigla na lang lilitaw na tumatakbo sa paa mo kaya di mo mapipigilan ang pagtili. Dito nabibisto ang mga bakla. Dahil biglang titili ng ubod ningning na tila siya si Wonder Cat sabay talon sa pinakamalapit na silya. Marami na ang nabisto dahil dito he he he.

I wish sana sa ating mga imbentor na makaimbento ng pamatay laban sa pesteng ito na kung saan kapag namatay sila ay agaran,para hindi na sila makapagtago pa, at mahihirapan kang hanapin kapag dedbol na sila. Yun bang tipong isang langhap lang nila ng usok nito ay dead on the spot agad sila na parang nasagasaan ng pison.

Dahil para sa akin hindi mababait ang mga ito . Sa lahat naman ng mabait , ito ang pinakaaayawan mo. Mga Peste sila sa buhay ng tao.

Tiyak aagree sa akin ang mga magsasaka dito.

Teka nga at makapunta sa laboratoryo para gumawa ng kemikal laban sa mga Mabait na ito hmmmppp!

No comments:

Post a Comment