Thursday, June 3, 2010

Kalmot ng aso....

Rumampa kami ng sister kong si Rommelia diyan sa Blumentritt nung fiesta nitong nakaraang Sabado.

Nang papauwi na kami ay hindi ko na napigilan ang tugunan ang tawag ng kalikasan sa isang bakanteng lote na nadaanan namin.

Maya maya at heto na ang alagad ni Scooby Doo at buong tapang na sumisigaw ng "Doobidoo bidoo" sabay ngabngab sa aking pantalon na leather pa man din.

Di ko namalayan, meron palang dog na may I sleep dun sa lote na inihian namin ha ha ha ha.

Naihian ko siguro ang hayup!

Hayun sige ang arya ng sonata na akala mo eh si Placido Domingo na nag-oopera habang nginangatngat ang aking lonta.

Buti na lang at dahan dahan akong lumayo at hindi na humabol pa ang asong ulol.

Nang tingnan ko ang aking binti, wala namang kagat. Pero merong kalmot at galos ang aking paa.

At nagdurugo siya ng itim, hindi berde wahahahaha!

Pinagdugo ko na lang.

Kinabukasan, may I research ako sa internet tungkol sa rabies.

1 to 3 months pala ang incubation period ng sakit na ito na kilala rin sa tawag na hydrophobia.

At kung susuwertehin ka( susuwertehin daw o ) aabutin ka ng isang taon o mahigit pa bago mo maramdaman ang mga sintomas nito tulad ng paglalaway, pagsakit ng ulo, pananamlay, pagkairitable at sa kahuli-hulihan, bago ka matigok, pagka-ulol!

Nakakita na ako ng video ng taong may rabies. Grabe ang pagka-ulol nito na halos nagwawala sa loob ng kanyang selda.

At makaraan lamang ang ilang oras , natigok na ang pobreng bata.

Dyusko, harinawa ay huwag naman akong humantong sa ganito.

Heto nga at sumasakit ang ulo ko. Ano ba ito, migraine, puyat ako, mataas ang dugo o ......hmmmmm.

After a year at hindi na ako nagsusulat dito sa blog ko, asahan n'yo at nagtitirintas na ako ng aking long balahibo he he he. O kaya naman , puro garapata na ang aking bulbol . Or , pinanunuod ko na ang All Dogs Go To Heaven sa purgatoryo ha ha ha ha.

Teka nga at mabalikan ang lintek na askal na iyon at matingnan kung namatay o naulol.

Waaahhhh!

8 comments:

  1. hi, read this b i t e s. same with me, sa pagkukuto ko ng aso, nakagat ako, super liit lang, pero na-torture ako kasi nagdugo rin. mas na-torture ako sa mga sabi-sabi, kaya para magkaroon ako ng peace of mind, nagtiyaga ako sa san lazaro. pero grabe ang pila doon. halos 5 sessions yun. did yoou research kung may rabies ang kalmot> meron din yata. pero sure ka na di ka nakagat. hahaha? sige, sa kare-research mo, mato-torture ka rin lalo pag nakita mo ang mga pics na kasama. hay naku, animal lover pa naman tayo. unpredictable kasi ang mga aso. have a nice day.

    ReplyDelete
  2. share ko lang experience ko.. when I was 9 or 10 yrs old.. Nakagat ako ng aso, peru the truth wala akong ginawa.. kahit inject or what.. at sabe nila after 7 or 10 yrs mo mararamdaman ang effect.. i think after 2 or 3 yrs nakagat ako ule, peru this time may action na ginawa.. nagpunta kame sa taong sumisipsip ng rabbies.. and then siguro nakuha na ang lahat ng rabies sa katawan ko, thanks God I was 23 yrs old now going to 24 and nothings happen to me.. I still live normal. :) and I still love dog and especially Cat :)

    ReplyDelete
  3. ...grabe di koh ma take ung bata na nakagat ng dog!noon mahilig ako mag-alaga ng dog, noon un ha...now di na talaga ako nag-alaga ng dog,kc takot ako makagat ng dog ehh...alergic talaga ako na now sa 'ASO'.

    ReplyDelete
  4. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  5. Grabe pala pag nakagat ng asong my rabies,kamusta n ky? Ang ngblog nitong BITES nkligtas ky sya?

    ReplyDelete
  6. panu po paq nkalm0t acu nq aso tas hnd naman dumuqo , delikado po ba un ??

    ReplyDelete
  7. panO po if nadaplisan ng ngipin ng asO ang balat ko tpos nag dugo , may rabies din po ba yun ?

    ReplyDelete
  8. Better consult nlng sa doctor pero may iba kc doctor na kinoconcider na magpainject khit kalmot lng

    ReplyDelete