TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, June 29, 2010

K-POP versus P-POP



Nauuso ngayon ang K-POP o ang Korean Pop na click na click sa mga bagets. Ito ay ang mga moderno at new generation music na galing sa bansang Korea na kinahihiligang pakinggan ng mga kabataan ngayon lalo na dito sa Pilipinas.

Ilan sa mga sikat na K-POP singers ay ang Wonder Girls, One Way, Vibe, After School, 8Eight, Brown Eyed Girls at marami pang iba kabilang na ang 2NE1 kung saan kasapi si crying lady Sandara Park na dating contestant sa Star Circle Quest ng channel 2.
Na sa kabilang banda ay pinanggagalaiti naman ng mga P-POP o Pinoy Pop na singers mula sa atin.

Sa ganang akin, may karapatan at punto ang ating mga kababayan na manggalaiti sa galit dahil nga naman imbes na mga kapwa Pinoy ang ating sinusuportahan at tinatangkilik upang matulungan ay mga dayuhan pa ang nakikinabang sa mga perang ating inilalabas para bilhin ang kanilang produkto na di hamak na mas maunlad naman kaysa sa atin.

Tuloy ay naiitsa-puwera ang ating mga kababayang miyembro ng Original Pilipino Music.

Hamon naman ito sa mga Filipino singers and composers na makipagsabayan at tapatan ang talentong ipinamamalas ng mga Koreano sa larangan ng musika nang sa gayon ay hindi tayo napag-iiwanan sa kangkungan. Palagay ko ay kayang kaya naman itong gawin ng ating mga Filipino counterpart na mga P-POP , dangan nga lamang ay nagpapalamig-lamig sila sa pansitan kaya hindi nila alam ay nauungusan na sila ng musika ng ibang kalapit na bansa natin.

Gone are the days na ba na Pilipinas ang naghahari sa larangan ng awitin sa buong Asia-Pacific region in the 70's and 80's?

You better wake -up OPM members at baka magising na lang tayo isang araw na puro Koreano na ang kumakanta sa ating mga radyo.

Teka nga , bakit ba wiling wili dito ang mga kabataan eh hindi naman nila naiintindihan ang mga mensahe at liriko ng mga awiting ito ng mga Koreano ?

Ah , geo-kku-reo-jeo-ra! ji-o-ge-na tteo-reo-jeo-ra !

Gets n'yo?

Ha ha ha ha

No comments:

Post a Comment