Wednesday, June 23, 2010

“I’m 38, yet I feel empty and worthless.”- a letter to Migs

Nais kong i-repost ang isang letter na ipinadala ko kay Migs para sa kanyang website na Manila Gay Guy. Ito ay nuong October 14 , 2009 lumabas sa kanyang site. How lonely I am and feel worthless nung gabing yun na sinusulat ko ang liham na ito that I feel I wanted an advice. Buti na lang nandiyan si Migs.

Thank God dahil ngayon nakaahon na ako and I feel better! I feel so blessed dahil no matter what happen, nandiyan lagi si God, ang mga friends ko and my family to support and love me for who I am.

( Note: This letter was chosen to be part of a book entitled Dear Migs: Letters To Manila Gay Guy which will be on sale starting July 10 , 2010 )

Read on:


“I’m 38, yet I feel empty and worthless.”

Letters, Migs Speaks Entry Feed Trackback

Dear readers, our letter sender below would appreciate if you can give him a piece of your mind. Feel free to comment and provide encouragement to our dear kapatid.

* * *

Dearest Migs,

It’s my first time to write you. I just recently discovered your site and upon seeing it I became instantly addicted, what with all the fabulous pictures of beautiful boys and men, no wonder lots of gay guys can become easily hooked, including me.

I’m a gay guy, no doubt about it.

Migs, sumulat nga pala ako dahil gusto ko ring i-share ang aking buhay sa milyun-milyon mong tagasubaybay, plus the fact na nais ko ring humingi ng words of advice regarding my present situation.

I have been in existence for 38 years now and yet I feel like I am “empty” and “worthless“.

You know Migs, I was born in a family that hated gays, literally, especially my father.

Bata pa lang ako ay ipinaramdam na nila sa akin ang labis nilang pagkamuhi sa mga bakla.

And yet, bata pa rin lang ako ay ramdam ko nang berde ang kulay ng dugo na dumadaloy sa akin.

Pero dahil sa naramdaman kong labis nilang pag-oppose sa aking tunay na pagkatao ay pinili kong i-suppress at itago ito for a long time.

I’m a late bloomer Migs. 32 na ako nang una akong makaranas ng sex with a guy. At that age din tuluyan kong na -accept ang aking pagkatao, kasabay ng aking “baptism of fire”. Hindi pa ako totally nagka-come out, kasi nga sa family ko ay hindi pa rin tanggap ang aking “lihim na kalansay”. Hindi pa rin nila matanggap hanggang ngayon na meron silang anak na sirena, after all these years.

I’m nearing 40, and yet I can’t see myself beginning at that age. Marami akong tanong tungkol sa buhay Migs. And madalas akong mag-muni muni tungkol sa buhay nating mga bading. Would you be kind enough to at least explain or give me some new insights about gay life Migs?

Lately I have this thought na I’m not living any life at all. Pakiramdam ko ba ay wala akong halaga at silbi sa mundong ito. For a clearer point of view, I have identified certain areas in my life that needs rethinking and overhaul, I suppose.

Financial Difficulties — wala akong pinag-aralan Migs, that’s a fact. Dahil na rin siguro sa aking kabaklaan, kaya nagkandaletse-letse ang aking school background. At dahil dito ay ilang beses akong nagpalipat-lipat ng trabaho. Hanggang sa mapagod na rin akong mag-work at nagpasyang huminto. Gamit ang maliit na puhunan, nagtayo ako ng negosyo. Pero nakailang venture ako sa business, wala ring nangyari. Nalugi at nawala ang lahat ng business ko pati ang puhunan. Hanggang sa magising na lang ako isang araw na wala na akong pera kahit isang kusing. Ang masakit, kasabay na nawala ang mga dati’y malapit sa akin na mga tao. I am now living dependently on my parents’ allowance. Pero masakit ang mga patutsada nila na “hindi ko raw kayang tumayo sa aking sariling mga paa”. Sadly, I have accepted this fact Migs, na isa nga akong “lampa” at “parasite”. Nilunok ko na lang ang lahat ng pride ko dahil alam kong wala akong ibang mapupuntahan.

Emotional Trauma — malaki ang effect ng hatred ng family ko sa Homosexuality, sa aking emotional quotient. Lahat ng klase ng panlalait at pangmamaliit ay narinig ko mula sa kanila. Kaya naman heto ang naging resulta sa akin-marami akong kinatatakutan. I am shy, afraid of rejections, negative thinker, stage frightened, nervous, coward, and feel inferior to everyone. I think wala nang pride na natitira pa sa akin dahil sa mga kabiguang naranasan ko.

Spiritual Conflict — I am a very religious person Migs, back then nung hindi ko pa tanggap ang sarili ko. I have turned to religion to find the answers regarding my sexuality. But unfortunately, ay hindi ko nahanap dito ang mga kasagutan regarding my existence. Sadly ay ginulo pa nga nito ang aking mga perspective regarding gay life. I believe in God for sure. But I can’t reconcile my faith in God with what I believe in and what I am actually feeling. Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo na may Diyos na nagmamahal no matter what or who you are? Regardless kung anong relihiyon ang kinaaaniban mo?

Love and Relationship — I’m in the middle of a relationship Migs. Pero wala ring kwenta. I think puro pera lang ang habol ng mga lalaki ngayon sa mga gays na tulad ko. Ayoko namang pumatol sa mga kapwa ko bakla. Pero kung lalaki naman ay tiyak na huhuthutan ka lang, hanggang sa masimot ang buong bulsa mo. Minsan nagsasawa na ako at gusto ko nang kumalas. Pero ano ang pumipigil sa akin para gawin ito?

Migs, pasensya ka na at ginulo ko ang mundo mo. Nais ko lang talagang humingi ng mga insights at perspective regarding gay life. Sana pagaksayahan mo ng lakas at tinta ang liham kong ito na sagutin mo. Base sa mga payo at advice na nabasa ko galing sa iyo, I believe na may malawak kang kaisipan at pang-unawa hinggil dito. Please share your thoughts Migs.

Minsan parang gusto ko na lang tumigil at huminto sa pag-exist dahil tila ba wala namang kwenta ang mabuhay. But then, naiisip ko na, ganun na lang ba ako magpapatalo sa labang ito ng buhay?

Pero ang tanong, hanggang kailan ako makikipaglaban? Habang may buhay? Habang may hininga?

Sorry if very depressing ang letter ko. I just want to hear from you guys.

Migs, I dream of a world where everyone exists na may paggalang at respeto sa pagkatao ng kanyang kapwa, maging sino, ano, at alin man siya. Is it a far-fetched and wild imaginations Migs?

Hihintayin ko ang sagot mo Migs. Maraming salamat!

- Edgar

* * *

Dearest Edgar,

Maraming salamat sa iyong sulat. Ilang araw na ang nakalipas noong una kong nabasa ang email mo, at ang unang sinabi ko sa sarili ko, tiyak sasaguting ko sa MGG ang liham mo. Una, dahil ramdam ko ang pagiging totoo mo. Ikalawa, napakagaling mong magsalaysay. Ikatlo, naniniwala ako na may taglay kang lakas na maaari mong gamitin sa pagbabago, sa oras na gustuhin mo ito. Ikaapat at huli, marahil ay marami rin ang makapagbibigay ng sarili nilang kuru-kuro ukol sa iyong sitwasyon kapag nailathala ko ang sulat mo sa blog ko.

Edgar, sa salaysayin mo ng kung sino ka at sa lahat ng iyong pinagdaanan, batid ko na matagal ka na ring naghahanap ng lugar mo sa mundong ito. Edgar maniwala ka at isapuso mo na tunay na may lugar ka sa mundong ito. Kahit anupamang muhi o panlilibak ang narinig mo noong ikaw ay lumalaki at nagkakaisip, huwag mong kakalimutang narito ka dahil may lugar ka rito. Napakadali kung sasabihin ko sa iyong kalimutan mo na ang nakaraan, at harapin mo ang ngayon, ngunit alam kong hindi tugma sa realidad ang suhestiyong iyon. Siguro mas akma kung sabihin kong mas bigyang-pansin mo ang iyong pangarap sa hinaharap.

Napakarami mo nang napagdaanan, Edgar, ang bawat liko at lubak na iyong tinahak ay may kaakibat na bigat na siyang nakadantay ngayon sa iyong balikat. Paano mo kaya ito pakakawalan? Naitanong ko sa kadahilanang alam kong napakahirap sumulong tungo sa iyong pangarap kung dala-dala mo pa ang bigat ng mapapait na nakaraan.

Release the hurt, and forgive those who have wronged you. Forgive not because they deserve to be forgiven, but because it is the best way for your wounds to heal.

Ukol naman sa mga kasawiang naranasan mo, nawa’y ituring mo ito hindi bilang dagok ngunit bilang paunang aral upang sa mga susunod mong pagsubok ay mas matibay ka’t mas matatag.

Sabi nga nila, life begins at 40. Why don’t you take the next 2 years as your preparation period for a wonderful 40th birthday celebration, a most opportune time to celebrate a full reinvention of self? Plan things out, and take baby steps. I suggest you pick one or two areas in your life that you want to make some changes on. Make small steps towards your goals, and you might just surprise yourself after a while. And, believe that success begets success. After some taste of it, move on to other areas in your life where you want some changes. Little by little, your life will change before your very eyes.

Lastly, you are empty and worthless only if you believe it. I say, believe otherwise. You said, “I dream of a world where everyone exists na may paggalang at respeto sa pagkatao ng kanyang kapwa, maging sino, ano, at alin man siya.” I say, I dream with you of the same exact thing. I think many others dream with us, and I hope many more can help in making this dream of ours a reality.

Be well, Edgar, and please say with me: “World Peace!”

migs_signature.jpg
one1pixel

No comments:

Post a Comment