TRAVELBOOK NOW!

Saturday, June 19, 2010

Congratulations L.A. Lakers


Nanalo kahapon ang Los Angeles Lakers ( Western Conference champion ) sa pangunguna ni Kobe Bryant sa game 7 ng 2010 NBA Finals laban sa Boston Celtics ( Eastern Conference champion ).

Hindi ako mahilig sa basketball sa totoo lang.

Kahit nuong bata pa ako ay hindi ako athletic at sportsminded na tao.

Naaalala ko na ang pinaka-laro ko nuon at pampatulo ng pawis ay ang mga larong tulad ng piko, step no step yes,taguan pung, patintero, tumbang preso, habulan, langit lupa, tic tac toe, jackstone at pick up sticks at siyempre ang favorite kong bahay-bahayan na kung minsan ay ako ang gumaganap na nanay he he he he.

At ang father ko dahil sa kagustuhan na gawin talaga akong isang tunay na lalaki ay isinama ako minsan, isang malamig na umaga ,sa kanilang ensayo ng basketball at tuturuan niya daw akong maglaro nito.

Nagkanda ekis-ekis na ang mga paa ko sa kadi-dribble ng bola ay hindi ko pa rin natutunan kung paano ang tamang paglalaro ng panlalaki at pangmaton na larong ito.

Kinakantiyawan na tuloy ako ng mga kasama ni father na para daw akong hindi lalaki dahil hindi ako marunong maglaro nito. Ang hindi nila alam ay totoong hindi ako lalaki he he he he. Kahit sa pag-shoot ng bola ay sablay pa rin ako.

Hanggang sa mang-hinawa si papa sa pagtuturo sa akin at sumuko na sa pag-eensayo ko dahil talagang hindi ko matutunan ang tamang pagdribble,pagpasa, pag-shoot, paglundag at paghawak sa bola patungo sa field basket nito.

Simula nuon ay nagkaruon ako ng phobia sa basketball.

Basta kapag nakakakita ako ng mga naglalaro ng basketball ay umiiwas na ako dahil natatakot akong tuksuhin at kantyawan ng mga lalaking naglalaro nito kapag nalamang wala akong kaalam-alam sa sports na ito.

I have outgrown this fear in basketball. Ngayon , keber ko kung malaman nila na hindi ako marunong maglaro nito. Basta ang gusto kong laruin ay ang buhay at pumipintig na bola ha ha ha ha.

Ito na ang pang-labing anim na panalo ng L.A Lakers sa basketball history na ito ng Amerika.

Aba may pakinabang rin naman pala sa pagsubaybay sa larong ito huh.

Dahil dito,I have been 500 peso richer dahil sa muling pagcha-champion na ito ng L. A. Lakers.

Congratulations Lakers!

No comments:

Post a Comment