Wednesday, June 16, 2010

Ang gabinete ni Noynoy

Aba'y usap usapan na tila ba nahihirapan si President elect Noynoy Aquino na mamili kung sino ang mga i-aappoint niya sa kanyang gabinete dahil sa dami ng nag-aapply.

Usap usapan din na karamihan yata sa mga appointee niya ay galing sa showbusiness.

Una na ngang lumutang ang pangalan ni showbiz talkshow host and star builder Boy Abunda na isa sa pinagpipilian para maupo bilang Secretary ng Department of Tourism.

Hindi naman ako opposed dito, ang sa akin lang ay sana mailagay sa puwesto ang mga nararapat at kwalipikado kahit galing man yan sa showbiz o hindi.

At ang ilan pa yatang artista na pinapagpipilian para siyang bumuo sa kaniyang bagong gabinete ay sina Dingdong Dantes para sa isang puwesto na may kinalaman sa mga youth, ganun din daw para kay Lovi Poe at kay singer Ogie Alcasid.

Buweno , dangan nga lamang at mahilig yata sa showbiz itong ating bagong presidente, meron akong ilang mga no nonsense suggestions kung sinu-sino ang puwedeng maupo sa mga puwestong mababakante by July 1, 2010 na galing mismo sa showbiz na kanyang kinalulugdan.

Doktora Vicky Belo para sa Department of Health- tutal isa naman siyang doktor at mahilig din siya sa mga doktor at mang-doktor este manggamot. At tutal ay very close naman sila ni Doctor Hayden Kho Junior ay gawin na niya itong Assistant sexretary este Secretary pala. Tiyak manggagalaiti lalo si Katrina Halili nito.

Lolit Solis para sa Department of Budget and Management. Tiyak na ang pag-asenso at paglago ng ating national budget taun taon dahil sa maraming mahaharbat itong si Manay Lolit he he he he.

Si Willie Revillame para naman sa Department of National Defense. Aba'y walang ginawa ang mama kundi dumepensa sa kanyang mga gawain at magpaliwanag tungkol dito, kaya for sure maaasahan natin siyang idedepensa tayo laban sa mga mapang-aping tulad ni Jobert Sucaldito huh!

Si Nanay Dionisia Pacquiao para sa Department of Education, Culture and Sports. Eh tutal nag-aaral naman ang kanyang anak na si Congressman Manny Pacquiao ngayon, tama lamang na si Nanay Dionisia ang mangasiwa dito. Plus eh di ba cultural dancer din si Nanay dahil isa siyang ballroom dancer di ba? At tamang tama naman ang sports para sa kanyang anak na si Pacman, oh debah?

Bagay naman si Ai Ai Delas Alas sa Department of Foreign Affairs dahil mahilig siya sa foreigner he he he he, lalo na sa affairs. Puwede rin si Pokwang, tutal magkamukha naman sila, at pareho ding mahilig sa foreign affairs.

Si Joey Marquez ay akmang akma sa Department of Labor and Employment dahil sa dami ng mga babaeng pinag-labor niya he he he. Plus with matching " tagas " pa ha ha ha ha.

Samantalang si Bebe Gandanghari ay puwede naman sa Department of Science and Technology dahil sa kagustuhan nito na gamitin ang siyensya para sa kanyang transformation into a beautiful true blooded swan! Biro mo nga naman ang fete niya, magmula sa isang dati'y brusko, matipuno at simpatikong si Rustom Padilla ay pinatay niya ito at ni-resurrect bilang isang bumubukadkad na mariposa sa tulong ng agham ha ha ha ha.

Si Baron Geisler ay kailangang ilagay sa Department of Justice dahil kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga akusasyong harassment niya sa ilang mga babae kapag nalalasing. Kung meron lang Department of Wines and Beers, bagay na bagay siya dito.

Sa Department of Social Welfare and Development ay tugma si Kuya German Moreno dahil mahilig umampon ng mga batang may talent at future. At marami na siyang natulungan at naalagaang mga kabataan huh na kanyang naiahon at naisalba sa kahirapan at kaapihan huh.

I'm sure marami ang aagree sa akin kay Chin Chin Gutierrez bilang direktora ng National Center for Mental Health dahil marami ang makaka-identify sa kanyang mga pasyente ng ospital na kumakausap sa mga hayop at halaman he he he he. Tiyak magiging close sila ng mga pasyente dito di ba?

At si President Erap Estrada puwede niyang ilagay as chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office, tutal hilig naman nito ang mga sugal at mga tong huh.

Kailangan naman natin ang isang matapang at sumasambulat ang bibig bilang pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board tulad ni Direk Andoy Ranay upang mahinto na ang mga kahalayan at kalaswaan sa industriya ng showbiz. For sure ayaw niya sa mga pelikula ang may nanghihina at nawawalan ng lakas kaya siguradong titino ang ating movie industry.

At para naman sa PAGASA, dapat ay si Hero Angeles, para naman malambungan ng pag-asa ang career nitong batang ito na matapos na manalo bilang grand winner sa Star Circle Quest ng channel 2 ay lumamlam na ang career dahil sa pagiging adelantado.

And last but not the least, ay si Jerry Olea, editor ng Abante-Tonite, para sa Optical Media Board ; dahil mahilig iyang "mang-raid" ng mga bagong labas na DVD at VCD diyan sa barter sa Quiapo he he he he. ( Peace Purity )

O sya sya , iyan ang mga suggestions ko kay president apparent Noynoy Aquino para iupo niya sa kanyang gabinete para hindi na siya mahirapang mag-isip. Dali-dalian mo at dapat bago magtapos ang Hunyo ay nakapili ka na ng mga nonombrahan mo na siyang tutulong sa iyo sa pagpapatakbo ng bansa .

Sundin mo lang ang mga suhestyon ko at tiyak ang paglago ng ating bansa.

Yun na, he he he he.

Bati po tayong lahat!

No comments:

Post a Comment