Monday, June 21, 2010

2 years old , adik sa sigarilyo



Nakakatuwang nakakainis na nakakaawa ang mga emosyong naramdamanko nang mapanuod ko ang videong ito ng isang dalawang taong gulang na bata pa lamang ay adik na sa yosi o sigarilyo.

Sa murang edad na dalawa ay bihasang bihasa at beterano na ang totoy na ito sa pagyoyosi huh. Akala mo ay ngumangata lamang siya ng Marie sa kanyang bisyo.Biro mong 40 sticks ang kayang ubusin araw-araw huh. Lumaki laki pa ang bulinggit na iyan at makakaubos na iyan ng isang ream na tabako sa isang araw!

Aba'y tinalo pa ang pinsan kong chain smoker na nakaka-isang kaha lamang ng Fortune sa isang araw. Dinaig pa ang mga matatandang sunog baga.

Siya nga pala ay si Ari Rizal mula sa bansang Indonesia.

Sabi ng iba, maaari daw na hindi na iyan makatuntong pa ng High School ay malamang matigok na ang batang iyan dahil sa sakit sa baga.

Ewan ko ba, pero ako ay hindi talaga natutong mag-yosi kahit nung kabataan ko.

Nakatikim din ako ng ilang sticks nito at humithit nito ng ilang beses dahil sa udyok ng mga kabarkada ko nuon , pero hangggang duon lang.

Ni hindi ko man lang hinanap o kinasabikan ang paglanghap ng nakalalasong usok nitong bisyong ito.

Pero ang hindi ko maubos maisip ay kung baki tila ba sarap na sarap ang nakararami sa nakakaduwal, makati sa lalamunan at masangsang na usok nito na alam naman nilang pumapatay ng tao.

Kahit nga sa pakete pa lang nito ay nakatatak na ang babalang " Dangerous to your health" pero sige pa rin ang mga tao sa paglanghap ng "aroma" nito.

Salamat naman dahil ang father ko na dati ay isa ring chain smoker ay nahinto na sa bisyo niyang ito simula nang magka-edad. Nung bata pa si Father ay ako pa ang tagabili niyan ng Phillip sa aming katabing sari-sari store. Buti naman at walang nagmanang kapre sa kanyang mga anak. Dahil nung bata kami ay babad na babad kami sa tanawing ganito ni father. At ang aming bahay nuon ay hitsura ng pugon ng tabako sa Ilocos kapag nandiyan si Papa. Passive smoking ang tawag sa secondhand smoke na nalalanghap ng iyong mga kasambahay sa loob ng bahay. At minsan ay mas malala pa ang epekto nito dahil hindi nasasala ng filter ng yosi ang nalalanghap mong usok.

Kaya nga kapag nakasakay ako sa jeep at may naninigarilyo , at ang usok ay humahampas sa mukha at ilong ko, talagang bumababa ako ng jeep huwag lamang makalanghap ng usok ng kapreng iyon. E di ba may ordinansang bawal ang mag-yosi sa loob ng mga pampublikong sasakyan? Pero bakit tila yata marami ang lumalabag dito at hindi man lang pinapansin ng mg kapulisan natin?

Ewan ko ba, bahala nga kayo!

Basta, Smokers never grow old.......

..............because they die young!

Yun na!

Panuorin n'yo na lang ang video dito:

No comments:

Post a Comment