TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 12, 2010

Willie Revillame vs Jobert Sucaldito



Lately ay naging laman na naman ng mga balita ang inpamosong si Willie Revillame dahil sa live na pahayag nito sa TV at pagbabanta laban sa kapwa Kapamilya at manunulat na si Jobert Sucaldito.

Ito ay dahilan sa pagpapahayag ni Jobert ng kanyang saloobin hinggil sa isang edisyon ng programang Wowowee kung saan ang mga contestants na featured ay mga estudyanteng pasang-awa o may mga grades na between 75-79.

Tila ba pakiramdam ni Jobert ay napaglaruan at napagsamantalahan ang mga batang ito na nai-feature sa show.

I want to give Willie a benefit of the doubt. Marahil ay nais lamang niya na bigyan ng chance ang lahat ng tao sa kanyang show kabilang na ang mga batang pinagkaitan ng sapat na katalinuhan at karunungan kung kayat pasang awa lamang ang gradong nakuha sa eskwelahan. In fairness, ay natulungan sila ng show na ipakitang hindi sila mga bobo o walang alam porke ba mababa ang grades nila. At lesat ay ito ang gusto kong isipin na layunin ni Willie at ng show na ipakita sa mga manunuod nito.

Yun nga lang nangyari na naman ang lahat in bad light, dahil ginawa na naman niya ang lahat ng ito in front of the camera, na kung tutuusin ay puwede naman niyang gawin sa likod nito. Bakit hindi na lang niya kinausap si Jobert sa isang malumanay na pananalita at tamang lugar at pagkakataon, at hindi itong idadaan sa harap ng maraming tao. Para naman silang hindi magkapamilya niyan eh.

Ang hirap kasi sa atin minsan, isinisigaw natin ang isang bagay na puwede naman nating ibulong na lang.

Ang pinakamasama pa,ay ang maghamon ng resignation sa isang show na nagbigay sa kanya ng karangyaan at kasaganaan kung hindi tatanggalin ang isang tao na kanyang kinamumuhian. Kung tututusin , malaki ang utang na loob niya sa show na ito at hindi vice versa.

Ilang beses na ba ito nangyari. Akala ko pa naman nagsisi na siya nung gawin niya ito kay Cory. At nung gawin niya ito nuon kay Cory ay labis ang pagsisisi niya pagkatapos.

Subalit ngayon, dahil sa isang Jobert lamang ang kaniyang pinatutsadahan ay hindi niya magawang magpakumababa para dito?

Sabihin nating nagkamali ang isang Jobert sa kanyang maaanghang na komento laban sa nasabing edisyon ng show, subalit hindi pa rin tama na gawin ni Willie ang "pagtataray" sa harap ng kamera. At the most ay ang hamunin ang kanyang mother studio na mamili sa kanilang dalawa kung sino ang tatanggalin.

Mukhang gusto ko nang maniwala sa sinasabi ng iba na umakyat na nga ang kayabangan sa ulo ni Willie.

May ipagmamalaki na kasi,kaya ganun!

At ngayon na hindi tinatanggal ng pamunuan ng ABS CBN si Jobert bilang kanilang talento, pangatawanan kaya ni Willie ang kaniyang naunang hamon na mag-reresign kapag hindi ito inalis ng Channel 2?

Tingnan nga natin kung may isang salita si Wilie Boy?

Sino ang kakampihan at mas pakikinggan ng ABS CBN sa dalawa?

Ang isang higanteng Goliath ba?

O isang hamak at maliit na David lamang ?

Ay hind pala David, kundi Da Vida....he he he.

Abangan!

No comments:

Post a Comment