TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 11, 2010

The day after election

Isang araw ang lumipas matapos ang kauna-unahang automated election sa Pilipinas ay marami na ang kaganapan sa ating bansa.

Nakapanggigilalas ang pagiging matagumpay ng Halalan 2010 ngayon sa ating bansa.

Isa itong malaking katagumpayan para sa lahat ng mga Pilipino.

At dahil natapos na ang Halalan, panahon na para harapin ang pagbibilang ng mga sagradong boto na ating ginawa.

Huwag nating kalimutang pasalamatan ang lahat ng mga nagkaruon ng partisipasyon upang masigurong pangkalatahan ay magiging matagumpay ang katatapos lamang nating halalan.

Unang - una na ay sa Comelec na bagamat nagkaruon ng agam agam tungkol sa pagpapatuloy ng eleksyong ito, ay kanilang pinatunayan na anumang mangyari ay hinding hindi nila ipagpapaliban ang kaganapang ito. Saludo tayo sa kanilang extra effort at pagpapagod upang matuloy lamang ang halalang kinasasabikan ng bawat isa.

At gayundin sa mga guro, mga election officers and inspectors, kasama na ang mga nagsilbing watchers at puwersa upang masiguro na magiging mapayapa at matagumpay ang nasabing halalan. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging matagumpay ang eleksyong ito.

Sa lahat ng mga Pilipino na nagtiyagang pumila sa ilalim ng sikat ng araw ay saludo ang buong mundo sa inyo. Ating ipinakita na kaya nating magkaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating Inang Bayan.

At siyempre , huwag din nating alisin ang kredito sa ating Pangulo na si Ginang Gloria Macapagal Arroyo. At least hindi nangyari ang failure of election na ating kinatatakutan.Anuman ang kapulaan at kasiraan na ating ibinabato sa kaniya, hindi pa rin maitatatwa na sa kanyang termino naganap ang kauna-unahang automated election sa bansa na isang tagumpay ng lahing Pilipino. Marahil, ito ang isang legacy na puwede niyang ipagmalaki bilang kanyang pamana sa ating bayan!

Tapos na ang eleksyon. Panahon na ng pagpapasalamat at gayundin ng pagpapatawaran.

Nitong nakaraang kampanya ay maraming mga masasakit na salita ang binitawan ng magkabilang panig na magkakalaban sa puwesto.

Saludo tayo sa mga kandidato na una nang nagpahayag ng pagkatalo sa kanilang mga kalaban.Panahon na ito ng pag-amin sa kinalabasan ng resulta ng eleksyon.

Ngayon lamang ako nakarinig ng isang eleksyon dito sa atin na walang nagreklamo na "nadaya ako"!

At first time din in Philippine history na naiproklama ang mga nanalong kandidato in less than a day sa ilang local posts huh!

All's well that ends well, ikanga ni Shakespeare.

Maligaya ako, dahil as of latest Comelec official count ay lumabas ang pangalan ng mga kandidatong ibinoto ko.

Payapa. Malinis. Maganda.

Bagamat may ilang insidente lang naman ng kaguluhan at karahasan sa ilang panig ng bansa, all in all, generally successful naman ang katatapos lamang na eleksyon sa atin.

Marahil sa susunod na eleksyon ay mas lalo pa natin itong mapaghahandaan. At tiyak ko na sa susunod ay mas lalo tayong mae-excite bumoto dahil alam nating ito ay para rin sa ating kinabukasan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Pilipinas, ang galing mo!

No comments:

Post a Comment