TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 8, 2010

PSBank


I recently have opened an account with PSBank in Marikina for my transactions done over the internet.

I was introduced to PSBank when somebody made a check payment to me through this bank.
And surprisingly, I have found out and fell in love with its very good and excellent customer service.

Marami na rin akong bangkong napuntahan, pero kakaiba itong bangkong ito. Ang pinakanagustuhan ko sa bangkong ito ay ang ganda ng pakikitungo nila sa kanilang mga costumer: malumanay magsalita, mababait, appreciative, malambing ,madaling pakiusapan, whether in personal or over the phone man ang transaction na ginagawa mo sa kanila.

Mayruon na akong mga nakausap na teller at officer ng ibang bangko ,pero karamihan sa kanila ay rude at magaspang ang pakikitungo lalo na kung may mga inquiry ka sa kanila na tila ba ayaw nilang maaabala sa kanilang mga kabisihan.

Pero ang bangkong ito , iba. Ipaparamdam nila sa iyo na mahalaga ka para sa kanila. At ipapadama nila sa iyo na may oras ka sa kanila gaano man sila ka-busy.

Iyan ang mahalaga at tinitingnan ko sa mga receptionists na na-eencounter ko sa bawat establishment na pinupuntahan ko.

Iyong iba , nakasimangot at tila ba ayaw kang kausapin. At kapag nagtanong ka na, halos ni ayaw sumagot at tumingin sa iyo na tila ba may utang na loob ka sa kanila sa iyong pabor na hinihingi.

PSBank, you are my bank.

Thank you for giving me the feeling that I am welcome in your company.



PSBank - Pasado Serbisyo!!

No comments:

Post a Comment