TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 4, 2010

Pasaway na mga Briones

Pasaway talaga ang mga Briones ano, kahit kailan?

Aba'y binibigyan ng bad image ng mga iyan ang apelyido ko huh!

Isa kasi akong true blooded Briones, from Bicol huh!

Kaya naman proud ako sa apelyido ko which I got from my father dear!

Sa mother side ko, isa naman akong Valdez!

Balik tayo sa mga pasaway na Briones na iyan!

Una, dito kay Eslove Briones ng Pinoy Big Brother Teen Clash Edition 2010.

Sukat ba namang tutukan ng kutsilyo ang kanyang fellow housemate na si Tricia. Hayan na forced - evict tuloy siya ni Kuya.

Ano ba naman itong Sigang Istokwa ng Tawi Tawi at tila nadala ang pagiging war-torn ng kanyang lugar dito sa Maynila.

Baka akala kasi niya eh nasa Tawi Tawi pa rin siya kung saan laging may giyera at Abu Sayyaf he he he he.

Haayyy naku, ngayong nasa labas ka na ng Bahay Ni Kuya ,dear Eslove Briones, sana mag-behave ka na okay?

Sayang, ka-apelyido pa naman kita, pero pasaway ka! Mana ka sa akin he he he he.

At ito pa ang isang Briones na pasaway!

Walang iba kundi itong si Clarissa Briones ng Habang May Buhay teleserye ng Channel 2.
Aba'y comatose na't lahat eh , nagagawa pa ring pumatay ng tao!

At walang tigil sa panggugulo kay Jane Alcantara huh!

Buti nga sa iyo at sinaksak ka ni Jane sa hita . Aba'y hindi man lamang nasaktan ang bruha! May pagka-masokista pala ang lokah ha ha ha !

Buti na lang at kapag Showtime ay nag-iiba ang aura mo. At nagiging si Bendita ka naman. Kung hindi, baka sipain ka ni Vice Ganda he he he. Peace Gladys! Galing mo!

Buti na lang at binawi nitong simpatikong si David Briones ang kamalditahan ng mga ka-apelyido ko.

Guwapo na , mabait pa kay Jane he he he.

Saan na kaya si Azenith Briones? Di ko na siya nakikita?

At si Lowell Briones ng PBA?

Mga kapuri-puring Briones ito.

Ako rin ,maipagmamalaki ng mga Briones!

Kahit minsan may pagka-pasaway din he he he.

Iyan ang mga Briones!

Lahing Matatapang!

Lahing Palaban!

Pasaway pero mababait ang mga Briones debah naman .......

No comments:

Post a Comment