TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 2, 2010

Medyas and her Three Little Kittens



Heto na ang latest picture picture ng hitad na si Medyas kasama ang kanyang mga cute na kuting.

Tulad nang naikuwento ko na nuong siya ay manganak, apat itong kuting na ito na lumabas mula sa sinapupunan ni Medyas.

Ngunit sa kasamaang palad, tatlo na lang ang natira sa kanila

Yung isa, pinagtripan ng mga batang kalye sa amin. Lumabas kasi ng gate ng bahay namin, hayun, naaliw yata ang isang bata batuta at akala eh de - bateryang laruan na naglalakad, hayun pinaghahampasan, pinagulong - gulong, pinagbabalibagan, pinag-iitsahan. Hanggang sa makita na lang namin na wala nang buhay sa gilid ng kanal ,waahhh.

How sad for the minute life of a cute little kitten.

At ito na ang tatlong makukulit na kuting na natira.

First is Rambo, dahil sa kanyang fatigue na kulay. But unlike Rambo na maliksi at maagap kumilos, this one is mahilig matulog, with matching hilik pa. Parang ako din he he he he.

Next is Sylvester, from my favorite Looney Tunes cartoon character. Mahilig naman lumapang ang isang ito ,especially ng tuyo he he he. Matakaw, mana sa amo.


And the last is Krung-Krung,parang si Sandara , may pagka-luka luka. Sukat ba namang tumalon sa tubig ng palanggana. Eh may pangarap yata itong maging diver balang araw eh. Hindi mana sa amo. Hindi marunong lumangoy . Pero mahilig din sa tubig like me he he he.

At itong hindot na si Medyas, tingnan mo oh, at idinidisplay pa ang hilera ng kanyang mga dyoga at utong , na laging sinusupsop ng kanyang mga kuting . Ang landi naman kasi . Aba'y kare-regla pa lang yata eh , nakipag- hadahan na sa mga pusang gala dito sa amin. Hayan tuloy, tatlong kuting na ang kukulit ang naging bunga.

Na hindi naman pinanagutan ng nakabuntis sa kanya huh! Sabagay , uso rin naman ngayon eh. Aba'y pati pusa , nakikiuso na ha ha ha ha.

Kaya nga ako eh, ingat na ingat makipaghadahan. Ayoko munang magpabuntis. Mahirap na baka magkaruon ng mga supling na ipinaglihi sa tiyanak ha ha ha ha .

Tingan mo oh. They are one big happy family debah naman!

Oyyy Medyas, huwag ka munang magpapatira ulit ha, at ayoko nang madagdagan pa iyang mga inakay mo na iyan. At baka sa susunod, itapon ko na iyan diyan sa bangin he he he he.

Behave ka muna. Gaya ng amo mo okay?

Tiisin mo muna ang kalibugan mo ha. Stay put at alagaan mo muna ang mga kutingsky mo.


I -train mo muna kung paano ang tamang panghuhuli ng mga bubuwit okay.At kapag marunong na iyang manghuli ng mga kalahi ni Speedy Gonzales, like you, sige hahayaan na kitang rumampa sa mga gilid gilid at eskinita para mang-hunting ng mga papable na pusakal ha ha ha ha ha.

Go go go Medyas......

No comments:

Post a Comment