TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 20, 2010

Liar Liar

Mukhang nauuso na ngayon ang "pagsisinungaling" huh!

In other words: "ang pagsasalita ng mga katagang binibitawan sa harap ng kamera at pinanunumpaan sa harap ng publiko pero sa bandang huli ay hindi naman kayang pangatawanan at tuparin ang kanilang mga sinabi at sinumpaang salaysay".

Ang sabi ng iba, slip of the tongue daw.

Eh ang dudulas naman pala kasi ng mga dila ng mga ito eh. Lagyan nga ng anti-slippery chemicals para hindi maging madulas ha ha ha.

Pinasimulan ni Madam Senator Miriam Defensor Santiago na nagsabing tatalon siya sa helicopter kapag napaalis si dating Pangulong Joseph Estrada sa puwesto nuong 2001.

At nang maganap ang kaniyang pagbabanta, sinabi niya " I lied ", sabay pakawala ng kanyang signature na malutong na halakhak ha ha ha ha.

And then comes Kris Aquino na nagbitaw ng pananalitang aalis siya ng bansa kapag nanalong pangulo ng bansa ang kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino.



At ngayong tila papalitan na ni Noynoy si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pinakamakapangyarihang ehekutibo sa bansa, biglang kambyo ang bruha at sinabing " hindi ako aalis ng Pilipinas"!

Ito'y sa kabila ng despedida party na ikinasa ng mga Facebook user para sa kaniya!

The ever Taklesa Queen blurted out another series of words na hindi muna pinag-isipan huh.

Ang hihilig kasing magsalita sa harap ng kamera nang hindi muna nagre-rehearse ng mga sasabihin!

Tapos kapag pumalpak, sasabihin, it's just a "slip of the tongue", taena!

And then here comes Willie Revillame na nagbanta pa mandin sa harap ng kamera na magre-resign siya sa Wowowee kung hindi paaalisin si Jobert Sucaldito sa ABS CBN with matching banta pa na " tandaan nyo yan"!



Eh natandaan ng mamamayan!

Subalit tila yata nagbabago ng pahayag ngayon si Wilieboy at hindi na itutuloy ang pagre-resign sa programang nagpayaman sa kanya kahit na hindi pinapaalis si Jobert ng kanyang mother studio.

Anong nangyayari sa mundo ngayon!

Nasaan na ang delikadesa at palabra de honor?Naglaho na sa hangin???!!!

Por Diyos por Santo, tuparin ninyo naman ang mga binibitawan ninyong mga sumpa at banta!

Mahiya naman kayo sa sambayanang Pilipino na pinapaasa ninyo!

Magpakababae ang mga babae at ang mga lalaki ay magpakalalaki!

Ngayon , kung hindi ninyo kayang pangatawanan ang mga pinagsasasabi ninyo sa harap ng kamera, please , you either watch your mouth or shut it forever and ever!

Oh, they all come in threes, ikanga.

Sana huwag namang mag come in four!

Ako , nangangako at nanunumpa!

Na kapag hindi umalis ng bansa ang tatlong ito dahil sa kanilang mga kapalpakan sa TV, tatalon ako mula sa 5th floor ng Wil Tower Mall ni Willie , promise ko iyan !







..........ayyyyyy.......hindi pa pala ito naitatayo he he he he.........it's just a lie he he he he......belat kayo , ha ha ha ha ha!

1 comment:

  1. i'm no fan of kris aquino, but what she said is "aalis siya ng bansa kapag NAGING PABIGAT SIYA SA KANYANG KAPATID". which, at this point, hindi pa siya pabigat. she's even giving up some talk shows para hindi siya maging pabigat sa kapatid niya. read: talk shows needs her to voice her opinion. leaving talk shows will at least minimize her giving her opinion.

    and if you are not yet aware, willie has resigned from abs-cbn. although no words if management has accepted his resignation.

    the only real liar on your post is miriam.

    ReplyDelete