TRAVELBOOK NOW!

Monday, May 3, 2010

Jejemons

Ito yung bagong pausong mga salita na makikita mo sa mga social networking sites katulad ng Facebook, Friendster, Twitter atbp.

Uso din ito sa mga cellphone users at texters na karaniwang ginagamit ng mga kabataan.

Kadalasang mali ang spelling, gumagamit ng mga salitang may uppercase at lowercase letters and punctuation marks, at kadalasang mayruong je je je sa huling bahagi ng mensahe na ang ibig sabihin ay he he he, with the letter j , instead of h, je je je.

Kaya jejemons, huh!

Madami akong nababasa nito sa Friendster at Facebook. At nakakaloka dahil hindi mo talaga maiintindihan kung hindi ka familiar sa mga wordings na ganito.

Karamihan ng gumagamit nito ay mga kabataan na miyembro ng isang fraternity o gangster. Tila ba ito ay way of communication nila sa isa't isa bilang magkakagrupo o magkakabarkada.

Parang isang means of language or communication pattern na sila sila lang ang nagkakaintindihan. Parang mga aliens?

Kung ang mga bading ay may gay lingo, ang mga kabataang ito naman ay mayruong Jejemons, je je je . Kalokah talaga!

Take note of this shoutout t by a certified Jejemons, naiintindihan mo ba iyan?

I'M PROUD TO BE A TBS 13 ╚══════ ═══════╝ | | \ / ╬ -----> †๑۩۞۩No OnE cAn BrEak Me DoWn ๑۩۞۩๑† -----> ▼××▬▬▬▬▬×|[×♥×]|×▬▬▬▬ × ♪*★.╔╦╦╦═╦╗╔═══╦══ ╦═╗.☆*♪ *☆ ☠ ★ღ╬(¯`º»•ßℓίίиġ§人 ġĦêê• «º´¯)╬ღ☠ ★* ♪*★.╚══╩═╩═╩═╩═╩╩╩ ╩═╝.☆*♪ ××▬▬▬▬▬×|[×♥×]|

Heto naman ang isang comment ng isang Jejemons sa kapwa Jejemons sa Friendster. Gets mo ba ang meaning nito?


bvosk . uxtha
nua .. enxa nd ao
nkapag.OL
nak miming xee kmii ee ..
ahmpp .. ingat'x ka
lgue .. nxttym nlng
poo uet =)


Eto pa ang IzHa....este isa..

  • mesh eu mwah
    boka mei iba Qa
    nua aa : (

Eh ito ,naiintindihan mo ba ito?

Hmmm..
kram/hOn ckUH!

------

uALa lhAN pampam
lHan sZa pEij ng
hOn cku!
miz yOu :D

mwah. mwah.
^.^

dmi chikAz aa..
sElOz nuA kUh
nyAN
hmpffft..

hOn.o3 ever


Hindi ko ma-getz kung bakit ganito na sila ngayon.Sadya bang bobo na sa spelling ang mga kabataang karaniwan ay mga tambay sa lansangan at out of school ? O ways lang nila ito para ipakita na mayruon silang sariling mga mundo na sila sila lang ang nagkakaintindihan? At ayaw nila tayong isama o papasukin na mga matatanda sa kanilang sariling planeta?

AWts, wane. d Q' MaGetZZZ!!....?{_0 ZHhUhalazz szzillAHH_=. Bztaz' mew*hh, TolgutSHH n L3rn AcK3rnnn!* % MwahsSS.pwwtt } {^#


Ayyy, ano ba iyan, naging Jejemons na rin ako, wahhhh!!!



!

No comments:

Post a Comment