TRAVELBOOK NOW!

Monday, May 10, 2010

ELECTION DAY

Yeheyyy, sa wakas, eleksyon na!

Aba, kaytagal kong hinintay ang araw na ito huh!

Para akong isang batang sabik na naghihintay sa araw ng Pasko dahil lalagyan na ni Santa Claus ng pera at mga kendi ang mga medyas kong isinabit he he he he.

This is the day nga to experience ang first ever automated election na gaganapin dito sa Pilipinas.

For sure, hindi lang ako ang excited , kundi maging ang mga milyun-milyon kong kababayan na sabik mauna sa paggamit ng PCOS machine na iyan ng Smartmatic noh!

As early as 5:00 , gising na ang lola n'yo huh. Nakipag-unahan ako sa mga manok sa kanilang pagtilaok.

At reding redi na ang lola n'yong gumayak papuntang presinto( hindi para ikulong noh ) pagtapak ng alas sais ng umaga. Sabay sabay kaming magkakamag-anak na umalis papuntang botohan. Isang jeep ang aming naokupa, at kulang pa.

As usual, tulad ng inaasahan, santambak at hindi magkamayaw ang mga tao sa eskuwelahang aking pagbobotohan.



Daig pa ang fiesta sa gulo at dami ng tao!

Agad ko namang nahanap ang clustered precincts na aking pagbobotohan. Pagdating ko duon , nalula ako ,dahil ang dami na palang nakapila. Hitsura ng pila kapag jackpot sa lotto o pila ng isang box office movie sa takilya. At iyan ay alas 6:00 pa lang ng umaga huh!

Hinanap ko muna ang pangalan ko sa listahan na nasa labas ng presinto. Nakita ko naman ito sa isang listahan. Pero hindi na siya nakadikit sa pader ng presinto. Dahil kinuha na ito at binaklas ng mga botante at pinag-aagawan para makita ang kanilang pangalan sa nasabing listahan.

Pagbukas ng presinto ng alas siyete ng umaga ay halos nag-uunahan ang bawat isa na makapasok sa loob. Atat na atat makaboto.

Lumipas ang mga oras, isa isang pinapapasok ang mga nakapila sa loob ng presinto para gawin ang kanilang tungkulin sa kanilang Inang Bayan.

Sa labas, unti unti nang nararamdaman ang nakapapasong lagablab ng Haring Araw. Tumitindi ang init. Lahat na yata ng parte ng katawan ko ay basa ng pawis. Pati ang kuyukot ko ay tumutulo sa nanggigitatang pawis. Nakakauhaw pa!

Buti may bumili ng itinitindang palamig at ice tubig sa kanto at ipinamahagi sa amin kaya nakabawas sa aming nararamdamang matinding uhaw at alinsangan.

Umandar pa ang oras. Isang oras. Dalawang oras. Nakakainip. Gusto ko nang mag-collapse sa tinid ng init na nararamdaman ko. Halos gusto ko nang isuko ang pagboto na kinasasabikan ko. pero hindi, lalaban ako. Ipaglalaban ko ang isang karapatan na hindi maaagaw sa akin ninuman.

Mas tumindi pa ang init. Sukdulan. Tumatagos sa balat. Habang ang pila ay ni hindi yata tumatakbo. Mabagal ang turnout ng mga botante sa loob. Hind ko alam kung dahil ba sa pangangapa ng mga botante sa bagong paraan ng pagboto. O sadyang mabagal ang mga komandante sa loob ng presinto? Halos isa isa lang ang pinapapasok para makaboto. Tapos may mga isinisingit pang mga senior citizen at buntis na pinapauna sa amin kaya mas lalong tumagal at humaba ang oras ng aming paghihintay sa labas.

Umusad ng parang pagong ang oras. Tatlong oras. Apat na oras.

Sa wakas after almost 5 hours na pagkakababad sa pawis at silakbo ng araw, nakapasok din ako sa pinakaaasam-asam na loob ng presinto.

Sa loob, it took me just less than 10 minutes para magawa ang aking karapatan: Hinanap ang aking identity sa listahan ng mga botante. Pinapirma at thumbmark sa Voter's List, Binigyan ng kopya ng balota, Minarkahan ito gamit ang marking pen sa isang lamesa, Matapos ay ibinalik ito sa isang BEI o Board of Election Inspector, Ipinasok ito sa PCOS Machine, at matapos mabasa sa screen na successful ang aking ginawang pagboto ay minarkahan na ng indelible ink ang aking kanang hintuturo na magsisilbing tanda na ako ay nakaboto na!

Ganap na alas onse y medya ay nagawa ko na ang aking tungkulin bilang isang Pilipino!

Hep hep, hooorayyyy!!!

Daig ko pa ang dumaan sa isang gym para mag - exercise. Kaya pala ang slogan nila: " exercise your right to vote!"

Hindi bale, okay lang. At least, ginawa ko ang aking tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. At wala nang sasaya pa dito kung hindi ang marinig ang boses mo bilang isang malayang mamamayang Pilipino.

Sa lahat ng mga katulad kong nagtiyaga sa pila at tindi ng init ng sikat ng araw , Mabuhay tayong lahat!

Ipagmalaki mo , Pilipino ang lahi mo!

No comments:

Post a Comment