TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 5, 2010

Campaigning , Philippine Style

Ibang klase ang kampanya dito sa Pilipinas.

Tama naman eh. Kapag panahon ng kampanya dito sa 'Pinas, dumudumi, literally ang kawawang bansang ito!

Bukod sa nagbabatuhan ng putik ang bawat kandidato, kaya nagiging madungis ang bawat isa ( yung iba nagpapatayan pa), literal na dumudumi ang kapaligiran dahil sa sangkaterbang campaign materials na ipinamumudmod at ikinakalat ng bawat kandidato.

Magmula sa mga pamphlets, fliers, posters,streamers, tarpauline,stickers, banners atbp. kasama na ang ilang mga campaign paraphernalias and items na ipinamumudmod din nila na later ay nagiging basura tulad ng mga pamaypay at visor na madali namang masira. Nagmimistulang isang malaking Payatas ang buong 'Naspi sa panahon ng pangangampanya dito sa Pilipinas.

Tignan ang mga litratong ito:

Puno ba ito o streamers na tinubuan ng dahon?



Pati ang grottong ito paakyat ng Simbahan ay hindi nakaligtas sa mga posters at streamers ng mga kandidato.
Eh ang kalsadang ito nagmistulang fiesta kahit hindi naman dahil sa dami ng banderitas na puro mukha ng kandidato ang nakasabit.

At ang iniwang kalat na ito ng mga kandidato pagkatapos ng kampanya!


Eh tingnan mo naman ang bahay na ito at nagmistula nang isang malaking common poster area ng Comelec.

Haayyy, talaga nga naman, onli in da Pilipins.

Isa lang ang tiyak.

Pagkatapos ng eleksyon, MMDA ang pagod nito sa kababakbak ng mga pesteng basurang ito!

Dapat merong polisiya tayo na kabit mo , baklas mo.

Kung sino yung mga kandidatong nakadikit ang mukha diyan, iyon ang pagbaklasin ng mga posters niya huh!

Ikinabit Mo, Baklasin Mo! Okay?

Mahiya naman kayo , mga pulitiko!

No comments:

Post a Comment