TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 23, 2010

At muli akong umawit....

Matagal na rin akong hindi umaawit sa Panginoon.

For your information, miyembro ako ng isang music group ng isang Christian church dito sa Antipolo. I was a song leader, worshipper and musician when I decided to quit doing those things for God because of my guilty feeling.

Back then, I had trouble and hard times reconciling my faith in God and my newfound life of being gay and coming out in the society.

Parang hindi ko matanggap na kikilalanin, mamahalin at ino-honor pa ng Diyos ang mga ginagawa ko para sa Kaniya dahil sa pagiging bakla ko!

Of course naman, we all know how the church is against all forms of homosexuality. Na hindi daw aprub ang Diyos tungkol dito. At hindi makakapasok sa langit ang mga bakla. In the first place , wala naman daw nilikha ang Diyos na mga bakla, kundi lalaki't babae lamang. Ito ang katuruang kinalakihan ko at tumatak sa aking isipan.

Kaya nang mapagtanto ko na isa pala akong bakla at tanggapin ko ang isang natatago kong pagkatao, nahirapan akong pagsamahin at pag-isahin ang pananampalataya ko sa Diyos at ang aking kabaklaan!

For a while ay nagtago ako at unti -unting lumayo sa Diyos, literally. Kasama ko nang binitiwan ang pag-awit ko sa Kaniya.

But time comes, when I finally realize na hindi pala ako puwedeng mabuhay na wala ang Diyos. Na puwede naman palang pagsamahin ang aking kabaklaan at ang pananampalataya ko sa Kaniya.

I found out that I have a God na hindi makitid ang isip. Na mayruong isang Diyos na labis na nagmamahal sa mga tao. Na ang Diyos ay nakauunawa at nakatatanggap sa atin maging anuman ang uri ng ating pagkatao.

That's when I have decided to reconcile again with God.

And this new relationship had blossomed as the days went by.

Now, I consider myself not anymore stranger and aloof with God.

In fact I have develop a much more deeper relationship with my Creator better than before.

Ngayon, mas open ako sa Kaniya at mas nasasabi ko kung ano ang nasasaloob ko kaysa dati.

Ilang buwan na ang nagdadaan at iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking lalamunan.

Pati na ang ilang mga kirot at hapding aking nadadama sa aking ilong at tenga.

Pero, ikinubli ko ito at hindi ipinaalam sa aking mga kasama at kasambahay.

Ang isipan kasi sa bahay ay ganito: na kapag ikaw ay maysakit, ito ay isang parusa ng Diyos sa iyo.

Na kapag ikaw ay may karamdaman, ibig sabihin ay kinakarma ka at pinarurusahan ng Diyos.

Sa madaling salita, itinago ko ang lahat ng nararamdaman kong hirap at sakit dahil ayaw kong isipin ng aking mga kasambahay na pinarurusahan ako ng Diyos dahil sa aking kabaklaan!

And then, one night, I have prayed to God sincerely.

Sabi ko, " Lord matagal ko nang iniinda at tinitiis ang karamdamang ito sa aking lalamunan at ilong . Panginoon kung talagang mahal mo pa rin ako at hindi ito isang parusa mo lamang sa akin dahil sa aking mga ginagawang sabi nila ay labag sa iyong kautusan, pagalingin Mo po ako sa mga karamdamang ito. At aking ipinapangako sa iyo na babalik ako sa pag-awit at muli konh gagamitin ang aking tinig upang ikaw ay maluwalhati at maparangalan bilang isang makapangyarihang Diyos"

Ganun lang kasimple ang aking dalangin.

And then the next Sunday, muli akong sumali sa grupo upang maghandog ng awit sa Panginoon.

Nakadama ako ng kakaibang pinaghalong init at ginaw sa aking kaloob-looban. Tila ba nangangatal at nangangatog ang buo kong katawan na hindi ko mawari kung bakit. Maya maya pa ay dumadalisdis na ang aking luha sa aking pisngi.

At nang muli akong lumunok upang damahin ang lamig sa aking lalamunan, naramdaman kong wala na ang kirot na dati kong nadarama sa bahaging ito ng aking katawan. At magmula nuon, ang hapdi na aking nararamdaman ay biglang nawala at naglaho gaya ng isang mirakulo o himala.

Ngayon isa na akong ganap na pinagaling na pasyente ng aking doktor na si Hesus!

At hindi ko nakakalimutan ang aking pangako sa Kaniya!

Napatunayan ko na mahal talaga ako ng Diyos, kahit anupaman ang mangyari.

At dahil diyan, ang boses na ito ay buong puso kong iniaalay sa isang Dakilang Manlilikha na lubos at tanging nagmamahal at nag-aaruga sa sinuman sa atin, maging ikaw man ay banal o makasalanan man, pantay pantay ang Kaniyang pagtingin at pagkalinga sa bawat isa na sa Kaniya ay kumikilala bilang isang Makapangyarihang Diyos at Tagapagligtas!

Salamat Po, Panginoon!

Amen!

1 comment:

  1. hi edgar. monday morning, this is the first mail i read. God is really good. Amen!

    ReplyDelete