TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 13, 2010

And now.....Charice Pempengco




Aba, mukhang patungo na nga sa international stardom ang favorite kong si Charice Pempengco huh!

Ang layo na nang narating nitong small but terrible na ito from being a simple lass from Laguna into full international success via her worlwide released self titled album , Charice under Warner Brothers.

Super sa galing at kagandahan talaga ang Talentadang Pinay na ito.

Sino ba naman ang mag-aakala na ganito kalayo ang mararating ng dalagitang ito na natalo pa mandin sa Little Big Star singing contest ng Channel 2 kung saan third place lamang ang kanyang narating. Ngunit iba talaga kung ngumiti ang tadhana dahil siya pa pala ang makakarating sa tugatog ng tagumpay, at halos naiwanan na ng milya milya ang nanalo sa patimpalak na iyon na si Sam Concepcion. She is truly a Little Big Star in the truest sense of these words.

From my latest info, tila humahataw sa US Billboard Hot 100 chart ang single niyang Pyramid featuring Iyaz. At take note , number 2 na ito sa US Billboard Hot Dance Club Songs category huh. Kung hindi ako nagkakamali, she is the first ever pure Filipina na nakapasok sa US Billboard chart minus Jocelyn Enriquez na hindi naman pure Filipina.

Atin itong suportahan at paratingin hanggang maging number one sa US Billboard Chart ang single na ito ni Charice.

Hindi ako mabibigla kung isang araw ay maging platinum record na ito sa Amerika dahil sa dami ng nababaliw ngayon kay Charice. Her album truly sells like a hotcake.

Pati sa Youtube ay hit ang kanyang mga uploaded videos huh.

Pag nagkataon ay tatalunin pa niya si Lea Salonga at iba pang mga Pinoys na umarangkada sa international scene dahil siya lang ang bukod tanging pure Filipino ( except Apl de Ap siyempre na half half naman ) na nakapasok at naka penetrate sa international mainstream pop music scene , debah naman.

Tila ba dekada ngayon ng mga Filipino huh. After Manny Pacquiao , heto naman si Charice at ipinapakilala tayo sa larangan ng musika sa buong mundo.

Sige Charice, tulad ni Manny Pacquiao, ipagmalaki mo ang tunay na lahing Pilipino.

Hail for Charice Pempengco!

The pride of the Philippines!

Watch the video here:

1 comment: