TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, April 27, 2010

Usapang Goli



matagal daw ako maligo.

yan ang laging reklamo sa akin sa bahay.


pinakamadali ko siguro ang kalahating oras kapag kailangan o may emergency.yung tipo bang may naputulan ng ugat sa leeg at kailangan kong magmadali.

average ko is 1 and a half hour.


pinakamatagal? dalawang oras! pero minsan lang naman ako magdalawang oras. kapag may "special occassion" lang.


nagtataka nga ako at naggigilalas dahil ang iba kong kasama ay kayang maligo sa loob lamang ng lima hanggang sampung minuto! my God, kapag ganun lang ako kabilis maligo, pakiramdam ko ay hindi ako naligo, parang naghilamos lang ako nun! at saka kapag ganun lang kadali, pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko, kasi para bang ang mga sabon sa katawan ko ay hindi ko pa nabanlawang mabuti!

bakit nga ba? ano nga bang ginagawa ko at ganun ako katagal sa loob ng banyo?

buweno, ito at ihahayag ko na sa buong mundo ang mga seremonyas ko sa kubeta kaya inaabot ako ng ganyan katagal sa loob nito huh:

first five minutes- ito yung testing the water time: dito tini-test ko muna kung gaano kainit o kalamig ng tubig depende sa weather. kapag kasi summer, super init ng tubig, grabe para kang nagbuhos ng bagong kulong tubig mula sa takure. kaya palalamigin ko pa yun for another five minutes kapag ganito ang senaryo. at kapag panahon naman ng taglamig tulad ng Kapaskuhan at mga buwan ng Enero at Pebrero, ay super lamig naman ng tubig, na para bang binabaran ng tipak ng yelo mula sa dinefrost na ref. ito yung time na nagpapainit pa ako ng tubig para idagdag sa balde nang sa gayun ay hindi ako manginig sa unang buhos nito tulad ng pusa kapag pinaliguan mo. purrr...... may sign of the cross pa yan....grrrr.....

and then the next 30 minutes-the throne: ito na yung time na uupo ako sa trono ng inidoro para...alam nyo na. may hawak akong libro at magbabasa sa loob. kahit ano. minsan kapag walang libro, dyaryo ang bitbit ko sa loob. dito ko ginagamit yung kasabihang, hitting two birds with one stone; umeebs na ako nakakapagbasa pa ako ng libro o ha he he he .

and then the next 15 minutes- ito yung grooming time: dito ko ginugugol yung pag-aayos sa katawan tulad ng pagsisipilyo, pag aahit sa bigote, at paglilinis ng tsinelas na kasabay kong maligo. sa bigote ko na lang ay inaabot na ako ng ilang minuto. peste naman kasi. kahit araw araw ka pang mag -ahit nito, bukas meron na naman. at mabuti kung hindi tumitigas. at isa pang nakakairita kailangan mo ring laging may supply ng bagong Rubie blade para hindi masakit ang pag-ahit. Ouch, nasugatan pa ang baba ko.

then the next 30 minutes again will be- bath time: ito na yung bathing proper. dito na ako nagsasabon, naghihilod at nagbabanlaw. talagang every nook and cranny of my body ay sinasabon ko at hinihilod para maramdaman kong malinis ako. at kapag nagbabanlaw ako, ayoko ng isang buhos lang , gusto ko ay sunod sunod ang patak ng tubig para maramdaman kong talagang walang natirang sabon sa katawan ko huh.

then the last 10 minutes will be- wrap up: eto na yung time para magpatuyo ng tuwalya, inspeksyunin ang ngipin kung may natira pa bang tinga, at magsuot ng brief at kamiseta bago tuluyang lumabas ng banyo! voila. fresh na at ready for the world na ang lolah mo.

and that's what constitute my 1 and a half hour sa loob ng banyo!

and anong nangyayari kapag inaabot ako ng 2 hours sa loob nito? wondering what happens inside for the additional 30 minutes?

he he he he, ayaw kong sabihin. itanong nyo na lang sa kaibigan kong babae.
si Mary Palmer, he he he he!

tara goli na tayo.

No comments:

Post a Comment