TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 5, 2010

SM....WE'VE GOT IT ALL FOR YOU!....


Natutuwa naman ako dito sa SM. Mula sa isang humble shoe store dito sa Quiapo, it had grown into a large conglomerate of Malls,Supermarkets,Department Stores, and now , Condominiums , all over the country and the whole world.

Saludo ako kay Mr. Henry Sy Sr. bilang isang true blue businessman with a flair for making lots and lots of money.

But of course, hind naan ganun kadali ang pag-asensong ito ni Mr. Henry Sy Sr. I'm very sure na kung anuman ang kasaganaang tinatamasa niya sa ngayon ay resulta lamang ng ilang taong pagsisikap at pagtitiyaga na kanyang pinuhunan upang maabot ang ganitong estado niya sa buhay.

I am fond of going to SM Malls. Kahit kadalasan ay window shopping lang ang ginagawa dahil walang pambili he he he he. At ngayong summer, ang sarap gawing "palamigan" ang mga SM Malls na nagkalat na sa buong Pilipinas. At sa buong mundo!

Parang kailan lang nang simulan ni Mr. Sy ang chain of malls na ito na nag-umpisa sa North Edsa Triangle sa Quezon City. Dati ay isang malawak lamang na damuhan ang bahaging iyon ng QC. Pero ngayon ay isa nang malawak na pasyalan na dinarayo ng libu-libong tao araw-araw. It can be said that all SM Malls are now a tourist destination in the Philippines, correct?

Pilipinas na yata ang may pinakamaraming mall sa buong mundo eh. And that is because of SM.

At hindi matatawaran ang empleyo para sa ating mga kababayan at perang ipinapasok nito sa kaban ng yaman ng ating gobyerno. Kayat tunay namang napakalaking tulong ang ginagawa nito sa ating bansa bilang isang lehitimong negosyo na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Si Mr. Henry Sy Sr. lang naman ang bukod tanging Pilipinong nakapasok sa list of Forbes 500 sa buong mundo ngayong taon huh! Essentially and for the record, siya na ang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas.

Kaya nga with this string of success na inaani ng SM sa buong mundo ay nais kong maging part sa history nitong someday would be the largest chain of malls in the whole wide world. And that would be my fearless forecast!

That someday, every country in the whole world would have a branch of SM Malls! Kahit sa Antarctica meron he he he he. To date, number 2 na ang SM City North Edsa bilang pinakamalaking mall sa buong mundo! At pang-apat lang naman ang SM Mall Of Asia, at pang-siyam lang naman ang SM Megamall , bilang pinakamalalaking malls sa buong mundo huh, taray!
I'm very sure of it, because here in the Philippines , they are targeting the vision of having SM Malls in every provinces in the country. Bawat probinsya, isa o mahigit pang malls ng SM ang itatayo nila , debah naman.

Kaya naman natutuwa ako dahil sinisimulan nang itayo ang kanilang first ever branch ng SM Mall dito sa Antipolo. Ang SM CITY Masinag! Bravo!

Kaya kung tutuusin ay dalawang SM Malls na ang nandito sa stretch ng Marcos Highway. The other one being the SM CITY Marikina. And it's only 2010 huh! Kalabisan kayang sabihin that someday there'll be an SM store in every corner ?

Kaya naman, dito sa buong Metro Manila ay nalibot at napasyalan ko na ang lahat ng SM Malls dito. Sa probinsya na lang ang hindi pa. But I've been to Baguio, Marilao, Taytay and Bacoor branch nila.

Hinihintay ko pa ang pagbubukas ng Santa Ana, Taguig, Comonwealth at Novaliches site nila dito sa Metro Manila na soon to open na. Bale dito sa Metro Manila ay ang Kalookan, Malabon , Navotas at Pateros na lang ang walang SM. Sana lagyan din nila para matupad that every cities in Metro Manila ay meron silang branch.

Wala nang makapipigil pa sa pag-unlad ng SM bilang isang higante sa larangan ng pagnenegosyo. I am one with this vision of SM.

Mayruon bang tawag sa pagiging adik sa SM? I'm sure pag-iisipan iyan ni Mr. Webster. Puwedeng Esemholic kaya? O Esemphile?



Certifed Esemholic


Ahhhh....SM...we've got it all for you!!!!

No comments:

Post a Comment