TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 29, 2010

Noy-Mar is my tandem to beat.


Sa wakas ay mayruon na akong napiling kandidato para sa Halalan 2010 sa Mayo 10.

Ito ay para sa posisyong Presidente at Bise-Prsidente.

Ito'y walang iba kundi ang tambalang Benigno Simeon " Noynoy" Aquino III para sa pagka-presidente ng bansa at Manuel " Mar " Roxas II para sa pagka-bise-presidente ng ating bansa mula sa Partido Liberal.

Mahalaga na malaman ng taongbayan kung sino ang ating mamanukin sa darating na Halalan 2010.

Ito ay upang himukin at hikayatin ang aking mga kapwa Pilipino na iboto rin at markahan sa balota ang mga pangalang ito na aking nabanggit. Tunay na ako'y labis na naniniwala sa tambalang ito na siyang may magagawa upang ang ating bansa ay sumulong tungo sa kaunlaran na matagal nang inaasam ng aking mga kababayan. At sa lahat ng mga kandidatong tumatakbo ngayon sa karera ng puwesto para sa pinakamatataas na posisyon sa Philippine Government, ay itong dalawa ang aking nakitaan ng potensyal na siyang magbibigay ng pagbabago para sa ating lipunan.

Una, kay Noynoy Aquino, na nakitaan ko ng sinseridad kung gaano niya ninanais na paglingkuran ang sambayanan at hatakin ito tungo sa kaunlaran. With his promise of zero corruption in his government , nakikita ko na ito ay magiging susi sa pag-unald ng mga Pilipino sa hinaharap dahil kaakibat na ng kahirapan ang labis na pagiging kurakot at gahaman ng mga taong nakaupo sa matataas na silya . Ngunit ang nagiging problema minsan ay ito; maaaring hindi nga corrupt ang isang presidente ng bansa, ngunit kadalasan na ang mga miyembro ng kanyang gabinete o sinumang mga makakasama niya sa pamumuno sa bansa ang puwedeng maging corrupt o tiwali sa pamamalakad. Kaya mahalaga na ang sinumang uupo at hahawak sa renda para sa pinakamataas na kapangyarihan sa bansa ay may "bayag" o likas na katapangan para totoong malabanan ang mga buktot na miyembrong ito ng gobyerno nang sa gayun ay tuluyang ma-eradicate o mabura ang kurakutan sa atingpamahalaan.

At pangalawa si Mar Roxas para sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa ating lipunan, ay pinagpupugayan din naman dahil sa mga accomplishments na nagawa niya bilang isang senador ng ating bansa,katulad na lamang ng pagpapasa ng batas para sa pagbaba ng presyo ng mga gamot na alam naman ng lahat kung gaano katataas ang presyo, na naging isang malaking tulong sa mga mamamayan upang maibsan ang labis na pagpapahirap na ito ng mga parmasya sa mga taong maysakit at karamdaman.

Parehong galing sa mga tinitingalang apelyido ang dalawang kandidatong ito. Mga apelyido at pangalang kaakibat na ng kadakilaan sa ating bansa: sina Manuel Roxas , Benigno Aquino at Cory Aquino , na nagsilbi ng buong puso at walang pag-iimbot sa ating bansa bilang mga kagalang-galang na lider.

Nawa ay sundan nila ang yapak ng paglilingkod ng kanilang mga ninuno, at huwag bahiran ng putik ang malinis na imahe ng mga ito, nang sa gayun ay magpatuloy ang legacy na kanilang iiwanan sa mga mamamayang Pilipino.

Sa inyong dalwa, saludo ang pitak na ito sa inyong hangaring mapaglingkuran ng tapat ang sambayanang Pilipino.

Nawa'y dalhin ninyo ang tagumpay hanggang sa Malakanyang sa darating na halalan sa Mayo 10.

Noy-Mar is my tandem to beat.

Bumoto po ng may katalinuhan.

No comments:

Post a Comment