TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 1, 2010

Maundy Thursday and April Fools Day

April 1,2010 is both a Maundy Thursday and an April Fools Day.

Tuwing unang araw ng Abril ay ipinagdiriwang bilang April Fools day. Sa araw na ito ay nagsasagawa ng mga practical jokes or jests ang mga tao sa kanilang mga kapwa . Araw ng lokohan at biruan debah?

Maraming sinasabing dahilan kung paanong nagsimula ang pagdiriwang na ito ng mga manloloko.
Subalit ang pinakakilala ay ang talinhagang ito ay nagsimula nang ilipat ang New Years Day sa January 1 na dating isineselebra tuwing April 1. Kaya naman iyong mga nagsi-celebrate pa rin ng Bagong Taon sa dating petsa na April 1 ay tinawag na mga April Fools. Simula nuon ay marami nang pranks and jokes ang ginawa para ipagdiwang ang araw na ito.

To date, isang Dutch Television nga ang nag-announce na bumagsak na daw ang Leaning Tower of Pisa sa Italy. It turned out to be an April Fools joke. Ito lang ang araw na puwedeng manloko. Kaya mga luko-luko, sige ratsada na he he he he.

Today is also a Maundy Thursday.

At this day, many Christians commemorate The Last Supper of the Lord Jesus with his 12 Disciples. Sinasabing sa araw na ito naganap ang Huling Hapunan kung saan kasama ni Jesus na kumain ang Kaniyang labindalawang disipulo sa isang bahay sa Jerusalem.

Lagi nating nakikita ang eksenang ito sa mga hapag-kainan sa mga bahay ng mga Pinoy. Ang Last Supper painting ni Leonardo da Vinci . Iyong sa amin nga ay vintage na dahil bata pa lang ako , at magpahanggang ngayon ay buhay pa rin at laging nakamasid sa aming pagkain.

Sa araw ding ito ay sinasabing naganap ang pamosong Washing of the Feet ng mga alagad na pinangunahan ng ating Panginoong Hesus. Dito ay ipinapakita ang buong pagpapakumababa ng ating Panginoong Hesus upang malinis lamang tayo sa ating mga karumihan.

Marami din ang gumaganap ng tradisyunal na Visita Iglesia na pagdalaw sa pitong simbahan o iglesya upang alalahanin ang araw ng Kuwaresma. At sa araw na ito ay nagsisimula na ring magpapako ang mga namamanata bilang pag-alaala sa kamatayan at pasakit ni Hesus. Subalit para sa akin ay hindi na ito mahalaga. Sapagkat sapat na ang ginawang pagpapapako ni Hesus sa Kalbaryo at kamatayan mula dito upang tayong lahat ay tubusin mula sa kasalanan. Hindi na natin ito kailangang pang ulitin o gampanan minsan pa.

At this day lets us reflect sa mga aral at leksyon na ibinahagi ni Hesus sa Kaniyang kamatayan. Magnilay -nilay at magdili-dili kung paano nito mapapalakas ang espiritwal na bahagi ng ating buhay bilang pagpupugay sa ating Dakilang Lumikha.

Amen!

No comments:

Post a Comment