TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 12, 2010

Maria Venus Raj




Ano ba naman itong Binibining Pilipinas Charities Incorporated na nag-oorganize ng Binibining Pilipinas beauty contests yearly para sa mga kandidatong ating ipapadala sa mga beauty contest all over the world katulad ng Miss Universe, Miss World, at Miss International.

Tila ba taun-taon na lang ay may kontrobersya sa kanilang isinasagawang pagpili matapos ang pagbibigay at pagtatanghal ng korona sa sinasabing kandidata.

Tulad ngayong taon, for the nth time ay tinanggalan at binawian na naman nila ng korona ang isang aspirant in the person of Maria Venus Raj dahil daw sa inconsistencies sa birth certificate nito.

Ang tanong ko lang, hindi ba nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang BPCI bago nila tanggapin ang mga kandidatong sumasali sa kanila? Dapat bago magsimula ang pageant ay nililinis muna nila sa anumng mga kapalpakan ang mga contestants nang sa gayun ay hindi na ito babawin pa in any case later kapag saka lang nila madiscover na may mga inconsistencies sa entries na ipinapadala ng mga kandidato. Dapat meron sila ditong investigating committee na walang gagawin kundi ang maghagilap ng mga impormasyon para sa kanilang mga tinatanggap na kandidata. Di ba?

Hindi lang nila alam ang emotional trauma na idinudulot nito sa mga nagwagi na matapos koronahan ay biglang babawiin sa kanila na para bang bumawi ng laruan. Di ba nila alam ang paboritong chant ng mga bata na , " topo topo barega, ang bumawi , didila sa baga"

Nakita naman ng madlang pipol kung gaano ka-qualified si Ms. Raj upang maging kinatawan natin sa Miss Universe para sa taong ito. Tila nakikini-kinita ko sa kaniya na siya ang mag-uuwi ng pangatlong korona para sa ating bansa sa patimpalak na Miss Universe na una nang naiuwi nila Ms. Margie Moran at Ms. Gloria Diaz.
Subalit tila ba hinahadlangan ito ng pamunuan ng BPCI sa pamumuno ni Ms. Stella Marquez Araneta.

Hindi lang malinaw kung saang area ba ang kinukuwestyon nila kay Ms. Raj para ito ay i-disqualify nila. Sa edad ba, citizenship, kulay o baka naman sa marital status nito?

Ano ba talaga mga ate?

Mag-ayus ayos naman kayo mga tita. Baka imbes na manalo tayo sa mga patimpalak na katulad nito ay lalo pang mabulilyaso dahil sa inyong mga personal na agenda na mas inaataupag ninyo kesa sa malaking tsansa ng karangalang maiuuwi sa ating bansa!

Ako,personally, I'm in favor of Maria Venus Raj upang maging kinatawan ng ating bansa sa nalalapit na Miss Universe ngayong taon. I can see in her that she has a big chance of winning that elusive crown than any other beauties na ipapalit sa kaniya.

Kaya kayong mga girls, please behave!

Reinstate Maria Venus Raj , now na!

Tama na iyang mga kaeklayan ninyo.

Daig n'yo pa ang mga bakla, ha ha ha ha.

Go go go go, Maria Venus Raj.

Ipagmalaki mo ang galing at ganda ng mga Pilipina sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment