TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, April 13, 2010

Face To Face

Sa wakas ay natupad na ang pangarap ko na magkaruon ng isang show dito sa Pilipinas na patterned after The Jerry Springer Show sa Amerika.

Ito ay ang Face To Face ni Ms. Amy Perez which airs from Monday to Friday at 11:00 on TV Chnanel 5, ang ating Kapatid.

Aim o layunin ng nasabing programa na pagbatiin o pagkasunduin ang mga barangay, tao, magkakapitbahay, magkakamag-anak o magkakapamilya na nag-aaway o nagsasabong dahil sa kanya -kanyang mga isyu sa buhay na walang kawawaan.

Magandang pagmasdan na after ng sabunutan, kurutan, sipaan, murahan, talakan, at sigawan ng magkabilang panig na nag-aaway ay magkakasundo towards the end of the show. Ipinapakita lang ng nasabing show na walang mabuting maidudulot ang pag-aaway away o pag-aalitan sa katauhan ng bawat sangkot sa gulo. Dahil dito ay marami tayong natututunan.

Swak na swak din si Amy Perez bilang host ng nasabing show dahil sa mabuti at magandang pagdadala nito sa programa kahit na nagbubugbugan na ang kanyang mga guests araw -araw. Poise pa rin ang reynang Amy he he he he.

Tribute naman sa mga bading ang pilot episode nito kung saan ang istorya ay tungkol sa isang lalaki(daw?) na mas pinili ang kanyang isang bakla na makasama niya sa buhay kaysa sa kaniyang tunay na babaeng kabiyak na kanyang naanakan.

Panalo ang balitaktakan ng dalawa na nagsasabong sa iisang lalaki daw , babae versus bakla.

Feeling mahaba ang hair ng bakla na ipinangalandakang " inggit ka lang dahil mas pinili ako ng asawa mo na isang bakla , kesa sa iyo na tunay na babae" huh.

Kalokah!

Sana ay magtagal pa ang show na ito ni Ms. Amy dahil alam kong marami itong matutulungan na ating mga kababayan na nagbabangayan dahil sa ilang mga kaek-ekan sa buhay.

Ang huling balita ko ay unti unti itong umaakyat sa rating dahil sinusubaybayan na ng mga televiewers.

Kaya kay Ms. Amy Perez and the whole station of TV 5, congratulations for bringing us different show and different dish. At least hindi nakakaumay sa pare-parehong show na ini-o0ffer ng dalawang naglalabang istasyon na Channel 2 at Channel 7.

Ano kaya i-guests ninyo ang mga kinatawan ng nag-uumpugang Kapamilya at Kapuso sa show ninyo at nang makita natin sa kanila kung sino ang magaling makipagbalitaktakan ( at makipagkurutan) he he he he!!!!!

No comments:

Post a Comment