TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 22, 2010

Earth Day 2010



Today is Mother Earth's Day.

Ngayon ang natatanging kaarawan ng ating Inang Kalikasan upang ating alalahanin ang kanyang kadakilaan bilang isang mapag-arugang ina nating lahat.

Dahil dito , I have devise some ways to help conserve Mother Nature and save her from further destruction and devastation for the betterment of the future generation.

1.) Hindi na ako magtatapon ng basura kung saan saan lamang kundi sa tamang basurahan. Kahit maliit na balat ng kendi ay akin munang iipunin sa aking bulsa ng pantalon at saka itatapon sa akmang tapunan at hindi ikakalat sa kung saan saan lamang. Huwag lang ang upos ng sigarilyo dahil baka masunog ang bulsa ko.

2.) Iipunin ko ang tubig na nanggagaling mula sa aking paliligo o paglalaba upang magamit bilang pambuhos sa inidoro o panlinis sa mga maruruming basahan , nang sa gayun ay makatipid sa paggamit ng malinis na tubig. Yun nga lang puro libag at banil ang laman ng aking pinagliguang tubig na ito.

3.) Hindi na ako magsisindi ng ilaw kapag titingnan ko o pagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Sapat na ang flashlight o kandila para gawin ito, tutal wala namang masyadong maganda na dapat makita sa mukha ko.

4.) Magtatanim ako ng mga puno at halaman sa bakanteng lote ng aming bahay. Maraming mga bulaklak ang aking itatanim para maging kahali-halina ang aming hardin sa mga taong nagdaraan. Iyon nga lang, nagalit ang aking tatay at ako'y sinermunan. Dahil bakit daw ako nahihilig sa bulaklak na pambabae at pambakla lamang. Ang hindi niya alam, isa akong rosas. Rosas na walang bango.

5.) Magre-recycle ako ng mga gamit at patapong papel, bakal, bote, garapa, at plastic sa aming bahay. Pinagalitan lang din ako ng aking inay. Eh sukat ba namang pati iyong bote ng toyo na may laman pa eh, itinapon ko na daw para lamang maibenta sa magbobote at magkabarya huh!

6.) At higi t sa lahat, hindi na ako iihi sa kung saan saang pader at bakanteng lote na parang aso, kundi sa mismong ihian na lamang. Huwag lamang sa urinal ng MMDA na sobrang mapanghi.

Ikaw , ano ang kontribusyon mo para matulungan si Mother Earth na humaba pa ang buhay?

Now is the time to move and save her.

Kung hindi ngayon , kailan pa?

Let's conserve energy. Let's help Mother Nature.

Let's save Mother Earth!

No comments:

Post a Comment