TRAVELBOOK NOW!

Sunday, April 11, 2010

DEOGRACIAS INIGUEZ AT ANG LADLAD



Sa wakas , kinilala na ng Korte Suprema ang validity ng partylist group na Ang Ladlad bilang isang lehitimong grupo na nagre-represent sa marginalized sector ng lipunan na tinatawag bilang mga LGBT o Lesbians, Gays, Bisexual and Transgenders sa sosyedad. In other word, sa buong sangkabaklaan!

Puwede na itong iboto o ihalal ng mga kafatiran upang manalo bilang kinatawan ng mga bakla sa ating Kongreso. Number 89 po ito sa inyong mga balota at huwag kakalimutang i-shade ang numerong iyan sa Mayo 10. Pinuno ng samahang iyan ang ating magiting na tagapanguna ng mga LGBT's dito sa Pilipinas na si Danton Remoto.

Ngunit may umeepal. Ang obispo ng Kalookan na si Bishop Deogracias Iniguez.

Sinabi niya sa isang interview na hindi dapat i-accredit ng Supreme Court ang grupong Ang Ladlad dahil ito daw ay isang "ka-abnormalan". Hindi daw natural ang mga nire-represent ng grupong ito kaya nararapat lamang na i-ban at i-boycott sa darating na halalan upang huwag pamarisan ng iba.

Napakatapang namang magsalita ng obispong ito na akala mo ay siya ang Diyos. Ang ganda pa naman sana ng ibig sabihin ng pangalan niya na Deogracias na ibig sabihin ay " grace of God", pero tila yata walang grasya ang Diyos sa alagad Niyang ito.

Nakalimutan na yata ng paring ito ang separation of church and state na umiiral dito sa Pilipinas?

And look who's talking? Siya ang perfect example ng kasabihang " napapansin ang dusing ng iba, pero ang sarili nilang dungis ay hindi nakikita".

Eh ano na ba ang nangyari sa imbestigasyon at iskandalo tungkol sa mga kaparian na nagsasamantala sa mga kabataang lalaki na kanilang sakristan pa mandin?

At ang mga pari na nangdodonselya ng mga madre? Nakalimutan na ba nila iyon?

O sadyang hindi na ito pinapansin ng mga kaparian kaya't inaatake naman nila ang ibang sektor ng lipunan na wala naman silang direktang nalalaman?

Alam ba nila ang sakit at hirap na pinagdadaanan ng mga bakla sa buong mundo? Naranasan na ba nilang malibak ,laitin at katayin dahil lamang sa ikaw ay isang bakla ng mga nagsasabing sila ay normal at natural na tao?

Ang hirap sa mundong ito, punong puno ng mga taong ipokrita at walang puso na tila ba napakadaling manghusga sa pagkatao ng kanilang mga kapwa! At karamihan sa kanila nasa Simbahan!

Basta ako ang aking paniniwala ay ito: na ang Diyos ay isang mapagmahal at mapagkalingang Kapangyarihan na hindi mapanghusga at mapanira.

I am very sure that when the time comes that this certain Bishop Deogracias Iniguez had finally met his Creator( knock on wood), our good and gracious Lord will have to ask him: " Why are you persecuting my children who are homosexuals? Don't you know that I love them dearly and I care for them? Just like the way I care and love all of you who are sinners, immorals and imperfects?"

I don't know what he will have to say!!

O Diyos ko, imulat mo po ang isipan ng mga taong ito na hindi nakakaunawa sa dakila at wagas na pagmamahal mo sa aming mga tao!! Nawa ay makita at maunawaan nila na ikaw ay nagmamahal at kumakalinga sa lahat, gaano man sila karumi, kasama, kaimperpekto, kamakasalanan at karungis.

Amen!!!

No comments:

Post a Comment