TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 3, 2010

a Black Saturday with old ID's

Sabado De Gloria. Walang magawa. Walang palabas sa TV. Walang mapakinggan sa radyo.Hindi nakapagrenta ng DVD o VCD sa Video City o nakabili ng pirated VCD o DVD sa Quiapo. Mabagal ang takbo ng Internet, nakakasawang makipag-chat. Ang lahat ng kaibigan ko kung hindi nasa bakasyon o probinsya, nasa swimming.

I have left with no choice but to clean my closet literally he he he he.

At sa paghahalungkat ko ng aking baul ay nahalukay ko ang aking mga lumang ID na pinakatatago-tago ko and that I'd like to share with you people.

First is my ID nung nag-aral ako sa STI Academy dito sa Marcos Highway , Marikina City. Batang bata pa ang itsura ko dito. Ang payat payat ko pa nuon. Sabi nga nila ,hipan lang daw ako ng hangin ay matutumba na.Para akong adik dito. Nakatira ng isang kahon ng Lion-Tiger katol he he he he. Masayang boring ang part ng life ko na ito. Hindi pa ako nito nagwawala he he he. Behaved pa ang lolah mo dito. Eh kasi naman, dalaginding pa lang ako dito he he he he. Kaya medyo pa-demure effect pa ako dito. Take note of my colored blue uniform. Ibig sabihin, royalty. Dugong bughaw pa ako nito he he he he. Kagalang-galang pa.

Second is my ID nung ako ay nagtrabaho sa Kowloon West, diyan sa Marcos Highway , Pasig City. Hmmm, mukhang okay naman ang kuha ko dito.Parang matinee idol ba he he he. In fairness, blooming ang lolah mo dito huh.Sumusuweldo na kasi. Nakakabili na ng pagkain at nakakakain na sa mga fastfood. Kaya naman di kataka-takang may ilan akong katrabaho na nagpi-flirt sa akin at this time.At take note ,with both girl and boy huh, taray he he he.Ilang taon din akong nagtrabaho sa kumpanyang ito. Ilang beses akong nasermunan ng supervisor kong si Mam Lorna at Mam Raina dahil hindi ako nag-uuniform. This is the time that the confusion about my sexuality comes out. Nalilito na ako dito. Now the color of my uniform is red. Ibig sabihin, bloody red. Matapang na. Unti unti nang kumakawala sa norms ng buhay. Palaban na!

Third is my ID nung ako ay nagtrabaho naman bilang Field Researcher sa Synovate. Take note of the year naman 2005. This is the year when I came out of the closet, a la Ricky Martin. I'm exploring at this time of the year in my life. Take note din the change of the spelling of my name, from Ramil to Ramel. Ito kasi ang tutoong nakasulat sa birth certificate ko kaya ito ang sinunod kong tamang baybay ng aking pangalan. Parang pagka-come-out ko, yung tutoo lang huh!Medyo lumolobo na tayo dito. Pero maganda pa rin he he he he. Uyyy, nagkabalbas na rin ang lolah. Matured na talaga.

And the fourth ID is the latest. An ID para makapag-loan sa isang lending company, ang Tanglaw Ng Buhay Foundation na nagpapautang ng puhunan sa mga middle income earner tulad ko.. Umuutang na ang lolah. Lately lang ito kinunan, kaya fresh na fresh pa. Pero ang nasa picture hindi na fresh, bilasa na ha ha ha ha. Take note of the thinning hairline? Aba'y napapanot na ang lolah n'yo. Pero huwag ka, sa apat na ID ay dito lang ako nakangisi. Sa tatlong naunang ID kasi ay nakasimangot ang lolah n'yo na parang nautusang bumili ng suka.Bakit kaya?Did I found a meaning in my life at this time? O guwapo lang iyong nagpi-picture kaya kuntodo ngiti ako ha ha ha ha.

Kay sarap namang mag-reminisce with your old pictures and ID's. Ang dami tuloy bumalik sa aking ala-ala.

Malapit na akong mag - kuwarenta . Two years from now.

'Di bale sabi naman nila "Life begins at forty" he he he he.

Kaya naman enjoy lang.....

Ano kaya ang susunod na ID ko?

For sure, a Senior Citizen ID he he he he. Lolah na talaga ang lolah n'yo he he he.

No comments:

Post a Comment