TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 10, 2010

Ayyy..Villay....

Oh ayan naman kasi eh, dinadala pa ang mga bata sa mga okasyong dapat eh sa matatanda lamang .

Ayan tuloy....nabanggit ang hindi dapat mabanggit.

Nang pagsalitain si Baby James Aquino Yap sa isang campaign sortie ng mga Aquino sa Mindanao, ay aksidenteng nabanggit ng bata ang pangalang Villar in all the loudness of the microphone.



Eh siyempre naman , bata yan noh, natural 'yung mga palaging napapakinggan at napapanuod nila sa TV ang gagayahin nila. Ang masasabi ko lang, " ang cute mo Baby James"

Kaya, the moral of the story, huwag nang dadalhin ang mga bata sa mga kampanya ng mga gurang at baka magmi-misbehave ito he he he he.

Ha ha ha ha, secret supporter pala ni Villar ang pamangkin ng kanyang kalabang si Noynoy. Baka naman hindi tinuturuan ni Kris si Baby James na Noynoy ang laging sasabihin at hindi Villay he he he he.

That's onli in da Pilipins!

No comments:

Post a Comment