TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 8, 2010

Adam Carolla-Anti-Filipino


Eh sino ba itong nameless and brainless certain Adam Carolla who lambasted and insulted not only Manny "Pacman" Pacquiao but the entire Filipino nation as a whole?


Dapat sa Adam na ito ay siyang ipinako sa krus nung Semana Santa diyan sa Cutud, Pampanga eh. Aba'y ipinapahiya ang pangalang Adam na siyang pinagmulan ng lahi ng mga matitinong tao. pero itong klaseng Adam na ito , hindi ito tao, bagkus ay isang walang utak na animal!

Sukat akalain mo ba namang tawagin ang Pilipinas bilang land of whore o lupain ng mga puta. Aba'y diputadong iho de puta pala siya huh . Eh sino bang nagsasamantala sa mga kawawang Pinay na nasasadlak sa kahirapan kundi ang kanyang mga kababayang nagpupunta dito sa ating bansa para mang-molestiya ng ating mga kababayan?

Kung ang ating lupain ay land of whore , eh ano naman ang bansa niya? Land of sins, lusts and adulteries ?

Aba'y si Manny na nga lang ang bukod tanging karangalan ng ating bansa ay wawalang-hiyain pa nitong namelss na Adam Carolla na ito! In the first place , eh zinoziya?

Ah isa lang naman palang laos na artista at radio announcer ang nagpapapansin na ito dahil wala nang pumapansin sa kaniya!

At kung hindi man nakapag-aral ang isang Manny Pacquiao na binabanatan niya at least isa itong maginoong tao na nagpakumbaba pa rin sa kabila ng pag-atakeng ginawa ng Adam Carolla na ito.Ipinakita lamang niya kung sino ang may tunay na pinag-aralan sa wala! Ang totoo mas may karangalan pa siyang maituturing kaysa sa mga taong edukado nga pero mal-edukado naman ang ugali at asal.

Kung hindi naniniwala ang Adam na ito sa isang Manny Pacquiao lamang , eh bakit kaya ang kaniyang mga kababayang tulad nina Denzel Washington, Jean Claude Van Damme, Chuck Norris, Mark Wahlberg, Will Ferrell ,P. Diddy at marami pang iba ay humahanga at umiidolo sa galing ng isang Manny Pacquiao lamang?

Humingi na daw ng tawad ang aroganteng Adam na ito sa kanyang Twitter account sa sambayanag Pilipino. Pero para sa akin, hindi sapat ito, matapos niyang insultuhin ang milyun-milyong Pilipino na ngayo'y tinitingala na sa buong mundo.

For me ADAM means he's just...

A-nother
D-umb
A-ss
M-oron

No comments:

Post a Comment