Wednesday, April 28, 2010

ABANTE-TONITE

Isa lang ang dyaryo ko dito sa Pilipinas.

Walang iba kundi ang nangungunang pahayagan sa buong Pilipinas , ang Abante-Tonite.

Matagal na akong sumusubayay sa Abante-Tonite. It seems hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi ako nakakapagbasa ng dyaryong ito.

Kung hindi ako nagkakamali, way back 1990 pa iyon. Nung magtao ako sa isang liblib na tindahan dito sa Antipolo.

At dahil ako lang mag-isa, naisipan kong bumili ng dyaryo habang nagpapalipas ng oras sa pagbabantay. Hindi ako dati bumibili ng mga dyaryo. Pero nang masimulan kong magbasa ng Abante-Tonite, naging adik na ako sa katutunghay dito.



Especially nuong panahon na iyon na usong uso pa si Xerex Xaviera he he he.

Walang palya, as in, naglalaan ako ng perang pambili ng dyaryong ito. Kapag hindi ako nakakabili ng kopya nito, daig ko pa ang nalugi. Kaya naman, kahit malayo nuon sa kabayanan ang binabantayan kong tindahan, ay talagang sumasakay pa ako ng jeep , makahanap lamang ng nagtitinda nito duon sa sentro ng bayan. Ganun ako kaadik sa Abante- Tonite.

Enjoy din naman dahil, yung mga naiipon kong mga kopya ay naibebenta ko ulit sa mga magbobote. Nag-enjoy na ako, bumalik pa ang pinuhunan ko he he he.

Mula nuon hanggang ngayon, loyal Abante - Tonite fan tayo.

Mula pa nung ang presyo pa lang ng Abante -Tonite ay 5.00

Ngayon, 10.00 na ang bawat kopya nito. Wala na rin si Xerex sa Abante-Tonite.

But still , number one pa rin ang paborito kong dyaryong ito.

Kung hindi man ako nakakabili ng hard copy nito, siguradong, sa soft copy ko matutunghayan ang isyu niya.

Ipinagmamalaki ko na kahit papaano ay naging bahagi ako ng pahayagang ito.

Lalo na sa magiting nitong Entertainment Editor na si Jerry Olea.

Hindi na mawawala ang Abante-Tonite sa sambahayan ng bawat Pilipino. Naging parte na ito ng bawat pamilyang Pilipino. Parang pandesal na hindi puwedeng mawawala sa umagahan natin

At tulad ng pandesal, magmahal man ng magmahal ang presyo, tatangkilikin pa rin ng mga tao.

More power Abante- Tonite.

Keep on serving God and the Filipino people.

ABANTE tayo mga Pinoy!!

No comments:

Post a Comment