TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 7, 2010

10 tell-tale signs that your son is gay

Segue ito sa entry ko about Ricky Martin's coming out of the aparador( malaki kasi si Ricky kaya aparador he he he)

Mga Mommy's and Daddy's , heto na ang inyong checklist kung paano malalaman kung badingarzie nga ang unico hijo ninyo. Read on and be reminded( para 'di na kayo mabigla):

1:) Ang paboritong laro niya ay luksong tinik at Chinese garter. With matching lukso ala Sailormoon. Kung hindi naman ay piko o step no,step yes. Huwag ka dahil ang pamato niya ay pink na marmol huh. Mahilig din siya sa jackstone at maraming alam na exhibition at nagkakababoy ng lahat ng stars ng jackstone. May koleksyon siya ng mga ginupit na manikang papel at kapag mayaman , mga Barbie dolls. Mahilig maglaro ng bahay-bahayan,usually siya ang Nanay o Ate. Later , nahihilig sa volleyball.

2:) Mahilig magsulat . Usually sa perfumed stationary nileletra ang kanyang mga alagata at salamisim sa buhay. O kaya naman sa mga fancy at colored notebooks naghihimay ng kanyang mga saloobin tungkol sa kanyang " Pretty Fuckin' Gay Life". Mahilig gumawa ng slum book at papipirmahan sa kanyang mga kaklase lalo na duon sa kanyang crush na lalaking classmate. Nagki-keep din 'yan ng diary. Tingnan mo sa kaniyang drawer at mababasa mo duon ang kanyang mga " Dear Ken" entries he he he he.

3:)Malinis at masinsin sa bahay. Favorite hobby niya ang magkutingting at magbusisi ng bahay.Favorite household chore niya ang maghugas ng pinggan at magluto ng hotdog, chorizo at longganisa . Magaling mag-decorate ng flower vase. Maalam sa pag-iinterior design ng kanyang kuwarto. Paboritong kolor ng kurtina niya ay pink o green.Mahilig sa gardening. Mahilig sa mga bulaklak.Paborito niya ang pink rose o yellow daisies. Tingnan mo at baka may ibat-ibang klase iyan ng tanim na cactus. Na may bulaklak sa ibabaw.

4:)Numero unong fashion critic. Mali daw ang shade ng make-up mo. Masyado daw light ang lipstick mo. Dapat daw meron kang eyeshadow dahil lubog ang mata mo. I-off-shoulder mo daw para highlighted ang iyong magandang wishbone.Too plunging ang neckline. Baka daw masilipan ng mga naughty boys( ang tutoo, insecure lang iyan) Bagay daw ang dangling pearl earrings sa terno mong puting blusa. Baduy ka daw dahil pinagsama mo ang kulay dilaw na t-shirt with matching green pants, red belt at blue snickers. Ano iyan Bagets??!!

5:) Paboritong kasama ang mga girlalu sa mga lakaran at gimikan. Mahilig maki-bonding sa mga girls. Maraming barkadang babae. Nuong bata pa ako, sabi ng tatay ko, huwag daw akong makikipag-barkada sa mga babae dahil natututo daw ako ng mga pambabaeng gawain. Pero nung bumarkada naman ako sa mga boys, hirit naman niya, bakit daw puro lalaki ang lagi kong mga kasama. Baka daw nakikipaglandian at kumekerengkeng na ako sa mga ito ha ha ha. Ah ewan , wala akong mapuntahan!

6:)Masdan mo ang kanyang mga mannerisms. Paano ba siya humawak ng tasa ng kape? Pag-abot ba niya ng bolpen ay nakapilantik ang kanyang mga daliri pataas? Madalas ba tumikwas ang kanyang mga kilay nang naka-arko? Mahilig mamaywang? Kapag nakaupo, ipinapatong ba ang hita sa kabilang hita na parang isang bini-bining ayaw masilipan ng panty? Hay naku mare, senyales na iyan na isang sirena ang anak mo noh!

7:)Hindi mahilig sa mga gawaing panlalake katulad ng mga construction works. Kahit simpleng pagpukpok ng martilyo sa bubong ay hindi magawa. Kapag pinahukay mo ng pala ng halong semento, umeekis ang mga paa sa pagdakot. Hindi maturuang mag-drive ng sasakyan. Ninenerbyos humawak ng manibela. Pero eksperto sa pagmaniobra ng kambyo ng mga boys. At kapag pinabuhat mo ng isang sakong bigas , idadahilan na meron siyang scoliosis ha ha ha ha.

8:) Mahilig mag-ayos sa katawan ng tao. Puwede ka niyang manicuran ng kuko sa kamay . O pedicure sa paa. Gusto mo buhayin pa niya ang mga patay mong kuko. Magaling din siyang magkulot. At maggupit ng buhok. Kahit bulbol at buhok mo sa kili-kili iti-trim niya.

9:) Mahilig mapag-isa o magkulong sa kanyang kuwarto. Magpa-duplicate ka ng susi ng kuwarto niya at may-I- spy ka dito. Tingnan mo ang balumbon ng kutson sa kama niya at baka may nakaipit na gay magazines tulad ng Icon at Playgirl he he he. O di kaya naman maaaring nanunuod iyan ng M2M , mga Indie films na pulos kabaklaan ang tema, at video ng abs workout ng mga machong lalaki. O kaya naman pinapanuod niya sa kuwarto ang series ng A Queer Eye For A Straight Guy. I search mo ang history at cookies ng computer niya at makikita mong si-nearch niya ang mga porn sites na tuad ng Gaytube at Asianboy.khake.com. May account din iyan sa G4M .

10:) And last but not the least, siyempre, hind pa nagkaka-girlfriend since birth. Kapag edad nang kuwarenta at wala pa ring asawa o girlfriend man lang na ipinakikilala sa inyo aba'y magduda na kayo noh! Ano iyan , forever na naghahanap ng soulmate? Oh huwag kayong tumingin sa akin huh. Ang favorite palusot kapag natatanog kung bakit wala pang asawa ay dahil "wala pang nahahanap na will ni Lord ".


O siya , hindi naman surefire na sinyales ang mga nandito para ma-identify n'yo o maamoy ang isang tunay na lalaki sa hindi. Mind you, sa panahon ngayon, mahirap nang ma-radar ng bawat isa ang straight sa nagpapanggap na straight lang without the "queer eye".

Tulad sa paboritong laro, hindi porke't maganda ang katawan and physically at sports buff ay tunay na lalaki na huh. Mayruong magagaling na varsity player ng basketball pero pinaglalaruan din pala ang bola ng kanyang mga ka-team mates ha ha ha.

Merong naglalakihan ang katawan at bumubukol ang mga masel sa lahat ng parte ng body, pero pagdating sa steaming room ay nakikipag-pindutan ng mga umbok at bukol na masel sa kanyang kapwa gym enthusiasts he he he.

Meron namang magaling sa construction works at nagbubuhat ng saku-sakong bigas pero binubuhat din pala ang kanyang loverboy patungo sa kanilang waterbed. Mayruong magaling magmaneho ng kotse at kahit pa ten-wheeler truck, ngunit yun pala ay isang berdaderong bading na nangha-hunting ng mga bagets na estudyante gamit ang kaniyang Fortuner ha ha ha ha.

At meron namang nagbibilang ng mga girlfriends at kabi-kabila ang syotang babae , iyon pala, may ka-holding hands na lalaki sa likod tulad nito he he he he. Sa panahon ngayon, ang mga guwapo hindi lang maraming girlfriends, marami din iyang mga boyfriends he he he he.

Hayy naku, its such a crazy world to live in. Tunay ka , idol Ricky Martin, we're all Livin La Vida Loca.

Babushka!!!

No comments:

Post a Comment