TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 24, 2010

10 eksena na paulit-ulit sa mga pelikulang Pinoy

10 eksena na paulit-ulit sa mga pelikulang Pinoy
#1 SAYAWAN AT KANTAHAN SA DAGAT
Maiisipan kuno ng isang artista na mag-swimming o magbakasyon sa tabing-dagat at hayun na, segue agad sa beach at nagsasayawan with matching kanta pa ang mga artista na mistulang naging party at piyesta scene na ang tabing dagat.
Hindi mo na tuloy maintindihan kung musical ba ang genre ng iyong pinapanood na sine.
#2 PAGHIHIGANTI
Karaniwang tema ng pelikulang Pilipino, lalo na’t action, na mapapatay ang isang mahal sa buhay (asawa, anak, kapatid, magulang, girlfriend o kaya ay kaibigan) ng bida at kanya itong ipaghihiganti.
#3 NYMPHO
Sa mga ST, TF, Romance o kaya ay Bold Movies ay hindi nawawala ang temang ‘nympho’ ang babae kaya kung kani-kaninong lalaki pumapatol para makipag-sex.
Sana’y iba naman ang sakit kaya haling na haling ang makati pa sa gabing babaeng ‘yan sa sex, ‘no?!
#4 ALWAYS LATE NA MGA PULIS
Panahon pa yata ni Kopong-kopong eh itinatanong na ng moviegoers kung bakit lagi na lang huli sa eksena ang mga pulis.
Kung kailan patay na lahat ang kalaban, saka maririnig ang sirena ng mga mababagal na pulis (reyalidad ba ito?).
Simple lang ang sagot, eh. Kapag maaga kasi silang dumating sa eksena ay walang mapapatay ang bida.
#5 INVINCIBLE NA BIDA
Kahit ilang bala ang iputok mo sa bida ay hindi ito matatamaan, gayong hindi ito si Superman na mabilis umiwas sa mga bala.
Kapag siya ang nagpaputok, sangkaterba ang tumitimbwang kahit isang putok lang ng baril ang pinakawalan.
#6 AMNESIA
Ito ang sakit na pumapasok kapag gustong makalimutan ng bida ang kanyang nakaraan at para lalong lumala ang conflict sa istorya.
Sa totoong buhay, may kilala na kayong nagkaroon ng amnesia?
#7 ENEMY AT FIRST, THEN LOVERS
Sa umpisa ay palaging nagsisinghalan ang dalawang bida sa pelikula. Hindi sila magkasundo at laging nag-aangilan sa isa’t isa, ngunit habang lumalaon ay unti-unting nagkakadebelopan. Haaay, kilig naman!
#8 HAUNTED HOUSE
Sa mga katatakutan, hindi nawawala ang haunted house na ‘yan na para bang andami-daming bahay rito sa Pilipinas na pinananahanan ng mga multo.
Kahit comedy ang pelikula ay papasukan ng eksena tungkol sa Haunted House para makapanakot sabay pagpapakita ng pugot na ulo na halatang tinahi sa mantel ng lamesa.
#9 IYAKAN BLUES
Hindi na yata mababakbak sa mga pelikulang Pilipino ang walang kawawaang iyakan. Kahit ang mga bidang lalaki ay parang Maria Cristina Falls kung magpaagos ng luha.
Likas bang iyakin ang mga lalaking Pinoy? Ang alam ko ay hindi madalas magpakita ng pag-iyak ang mga lalaki dahil ayaw nilang mabansagang mahina o bakla.
At ang mga babae ay hindi makikilalang magaling na aktres kapag hindi napagsabay ang kanyang luha, uhog at laway sa paghagulhol sa harap ng kamera.
#10 HULING PAHIMAKAS
Kapag nasabi na lahat ng isang mamamatay ang kanyang mga huling habilin sa iiwanan ay saka lang siya malalagutan ng hininga at yuyungyong sa balikat ng naiwan.Pagkatapos, segue na sa pagpalahaw ng iyak ng naulila, at pagbanggit ng pangalan ng namatay.

Cliche,Redundant, Common, Recurring, Formulaic. Ilan lamang sa mga adjectives na puwede kong maikabit sa mga pelikulang Pinoy nowadays kaya naman, admittedly, napagsawaan ko na ring manuod ng mga ito for this past few years.

Mula pa nuong bata ako hanggang ngayon ay ganito na lang palagi ang nakikita kong eksena sa bawat Philippine movie na lumalabas. Gusto ko namang makakita ng bago at something na mag-aarouse ng aking curiosity.

Ang sabi nila ay patay na daw ang industriya ng pelikulang Pilipino. Ang sabi ko naman, hindi pa. Comatose lang siguro.

Sana may mga makabagong umusbong na pelikulang Pinoy na hindi susunod sa mga lumang formula na kinagawian nang likhain ng ating mga direktor at prodyuser. The best is yet to come ikanga.

At may pag-asa pa rin ang Philippine movie industry para muling ibangon at ibalik ito sa dating glorya na kinalulugaran nito. Back in the days of Lino Brocka and his company.

We need new blood, new ideas and new technique and creativity para muling makabangon ang industriyang nalubog na sa mga pormula at makalumang style ng paggawa nito.

At nang sa gayun, muling bumalik ang mga manunuod sa sinehan at maging box office hit muli ang mga takilya sa ating mga silid - panuoran.

No comments:

Post a Comment