TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 3, 2010

Whitney Houston.....booed in Australia

Balitang balita ang lantarang pagkadismaya ng mga fans na nanuod sa concert ni Whitney Houston sa Australia na ang ilan ay hindi napigilang lumabas sa stadium na pinagdarausan ng concert.

Ito ay nangyari habang inaawit ni Whitney ang kanyang birit biritang signature song na I Will Always Love You. Diumano ay huminto upang uminom ng tubig at magpunas ng tuwalya ang singer bago tuluyang biritin ang pinakamataas na tono ng kanta na halatang nahihirapan na siyang gawin.

Marami umanong fans ang nagalit at nag-walkout sa kalagitnaan ng konsiyerto dahil sa pakiramdam nila ay dinadaya sila ni Whitney. All throughout the concert pa umano ay laging inuubo ang diva at humihinto marahil ay upang habulin ang kanyang kinakapos nang hininga. Dahil dito ay maraming fans ang nadismaya at nag-walk out.

Hindi na rin daw halos kumakanta ang singer at pinababayaan na lamang na ang kanyang mga back-up singers ang marinig na umaawit sa loob ng arena.

Nakakadismaya nga naman ito para sa mga manonood na nagbayad ng malaking halaga ng pera para lamang makapanuod ng primera klaseng palabas mula sa kanilang idolo na si Whitney tapos ay ito ang kanilang mapapala. Feeling nila ay hindi sulit ang kanilang ibinayad sa nasabing palabas.

"She couldn't entertain a dead rat, to be honest," sabi ng isang fan.

"She was not fit to perform. She seemed to be on another planet and the concert was laughable." panlalait ng isa pa.

But of course naman, let's not deny the fact na Whitney is aging o tumatanda na. Siyempre, hindi na pareho ang timbre ng boses niya ngayon kumpara nuong 20 taon pa lamang siya. Isa pang nakasira sa kanya marahil ay ang pagkalulong sa bawal na gamot lalo na nuong stormy days nila ng dating asawang si Bobby Brown.

But we can't also deny the fact na si Whitney Houston lang naman ang nagbigay sa atin ng mga immortal classic hits na kasalukuyang inaawit ng mga nagsisigayang diva na sumusunod sa yapak ng icon na ito.Dapat nating tandaan na siya ang nagpasimula ng new generation of divas na tinahak naman ng maraming singers itong panahong ito tulad nina Mariah Carey, Celine Dion at maging ni Charice Pempengco na ating pambato.

Maaaring lipas na nga ang kinang ng bituin ng icon na ito sa music industry. At maaaring lumipas na rin ang tikas at kalibre ng boses niya para sa pihikang pandinig ng mga nasa alta sosyedad Down Under.

Ngunit siya pa rin ang mananatiling idolo at nasa puso ng mga taong nangangarap na maabot ang tugatog ng tagumpay sa pamamagitan ng pagsibad ng kanilang mga tinig tungo sa himpapawid.

Hindi naman matatawaran, siya pa rin ang nag-iisang diva of all divas!

Viva la Diva Whitney!

No comments:

Post a Comment