TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 10, 2010

Summer is here


Grabe ang init ngayon sa labas ng bahay. Ayon sa report, umaabot na ng 37 degree Celsius ang temperatura natin dito sa Pilipinas, at take note , sa loob pa ng bahay ang reading na iyan huh , kaya di ko maimadyin kung ano ang sentigrado kapag nasa labas ka at ikaw ay nasa direct heat ng sunligt. And we're just beginning the summer pa lang , at wala pa tayo sa peak ng tag-araw na nagaganap sa mga buwan ng Abril at Mayo. Kaya naman uso din ngayon ang heat stroke at sunstroke na karaniwang umaatake sa mga matatanda at may sakit sa puso.
Tila nga ba tinamaan ako ng heat stroke na iyan dahil nung isang raw ay bigla na lamang akong nahilo at natumba sa loob ng isang mall after a prolonged exposure sa init ng araw.

Naglakad kasi ako ng araw na iyon sa kahabaan ng isang kalye na ako ay nasa silong ng init ng araw. Halos isang kilometro din kasi ang kalyeng nilakad ko para sa isang "agenda" kaya naman super bilad ang beauty ko na parang tapa.

After that long walk ay enter agad ang lola mo sa isang mall para magpalamig. Aba'y maya maya lamang ay nakaramdam na ang lola ng pagkahilo at sukat ikatumba ko sa may hagdanan. Halos buong katawan ko ay pinagpapawisan ng malapot. At hindi rin ako makahinga ng maayos. Maya maya pa ay nag-collapse na ang lola ninyo habang papaakyat sa hagdanan. Mabuti na lang at nakasandal pa ako sa pader at nakahawak sa barandilya bago tuluyang mawalan ng malay.

Nang magkamalay ako ay nasa clinic na ako ng mall at binibigyan ng first aid ng health officer duon.

After a few minutes pa ay umokey na din naman ang pakiramdam ko kaya lumabas na din ako ng clinic at umuwi na ng house. Kaya kayong matatanda ( ehek,kasama na pala ako) mag-ingat sa pagrampa sa init ng sun para hindi kayo matulad sa malandi ninyong lola ha ha ha ha.

Kaya ang matinding paalala ng mga health officials natin na umiwas sa sobrang pagbababad sa ilalim ng sikat ng araw lalo na at sa pagitan ng alas-10 ng umaga hagggang alas-3 ng hapon dahil sa pagitan ng mga oras na ito ay mas matindi ang bayo ng Haring Araw sa mundo.
Kung maaari ay uminom ng maraming maraming tubig at maligo ng hanggang dalawang beses sa isang araw para maibsan ang alinsangan ng katawan. Huwag parang pusa na takot sa tubig huh.

Eh kaso paano mo naman gagawin ito kung halos wala nang tumutulo sa iyong gripo dahil kapos na rin ang water supply ng Nawasa. Tapos bukod pa rito ay wala pang kuryente dahil apektado pa tayo ng rotating brownout kaya kahit electric fan na kalawangin na ay hindi mo mapaandar. Hayan tuloy at nangangawit na ang kamay ko sa kapapaypay ng karton ng Zesto Juice.


Uso ang halo- halo. Halos lahat na yata ng kanto ay meron nito na biglang nagsusulputan pag ganitong tag-init. Kaya naman halos araw araw ay ubos din ang budget ko para dito. Minsan ay dinadayo pa namin ang Halo Halo diyan sa Ugbo para lang malamigan at mapreskuhan.

Nandiyan din ang singkamas na masarap pamatid uhaw. Lagyan mo lang ng alamang sa ibabaw at solb na ang uhaw na nararamdaman. Masarap ding pamatid uhaw ang pakwan at melon na usong uso ngayon.

Paborito na namang hideaway ang Baguio at Tagaytay ng mga taong nabuburyong sa tindi ng init dito sa Metro Manila. Pero kwidaw ka dahil kahit ang mga Summer Capital na ito ng Pilipinas ay maiinit na din daw ang temperatura dahil nga sa climate change na humahagupit sa buong mundo.

Talagang El Nino is here na nga.

Pero ano ba ito at tila umaambon sandali dito sa amin ngayon?

Ah, napadaan lang pala ang tikatik ng ulan .Ilang minuto lang nawala rin ang ambon. Baka Cloud Seeding Operation lang yan ng pamahalaan.

Truly summer is here kaya naman kabi-kabila ang Summer Station ID ng mga TV network na binabalandrahan ng sangkatutak na artistang naka-swimsuit at nakahubad,kaya naman enjoy din ang mga manyak he he he he. Uso ang swimming, kaya tiyak na tiba tiba na naman ang mga swimming at resort owners sa panahong ito.

Mga summer classes din ay nagsulputang parang kabute na ino-offer sa mga bagets na kanilang pag-aaralan kapag ganitong baksayon sa eskwela. Beware too of a hosts of summer disease who are also proliferating tulad ng bungang-araw, tigdas, bulutong at sore eyes kapag ganitong panahon.

Summer is already here again kaya be ready for the fun and surpises na dulot ng hottest season na ito sa ating bansa.

No comments:

Post a Comment