TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 4, 2010

Paano ba nagiging mayaman ang isang tao?


Paano nga ba yumayaman ang isang tao?

Iba-iba ang paraan para yumaman o magpayaman.

Kapag sinabing mayaman, ito ang pakahulugan ko:
Iyong nakakapanuod sa ringside ng bawat laban ni Manny Pacquiao; siyang nakakapagkape tuwing umaga sa Starbucks; kapag nainitan sa Pilipinas, agad agad nagpapabook ng flight para pumunta sa Alaska o Iceland; favorite pastime ang paggu-golf; nagpapatalo ng milyun-milyon sa casino;maraming kabit at kulasisi na may kanya kanyang bahay; kapag birthday,nagpapaparty para sa buong homeowners ng kanilang subdivision; at kapag kasal ng kanilang anak, kinukuhang ninong at ninang ang presidente o kaya'y mga senador at pulitiko ng bansa.

Ganyan ang mga mayayaman. Alta sosyedad. High society. Karaniwang hindi mo talaga maabot sa tayog at taas.

Pero paano nga ba nagiging mayaman ang isang tao?

Meron akong limang alam na paraan:

1.) KAPAG ANAK KA NG ISANG MAYAMAN AT ISANG TAGAPAGMANA - siguradong yayaman ka din, walang duda. kapag nadedo na ang iyong mga magulang, ikaw lang naman ang magmamana sa lahat ng kanilang kayamanan, for sure. kasali sa mga ganitong klaseng tao sina Paris Hilton, at Prince William and Harry na magmamana ng trono ng kaharian sa United Kingdom. sila ang sinasabing ipinaganak na may gintong kutsara sa bibig.

2.) KUNG IKAW AY MAGNENEGOSYO AT TATANGKILIKIN ITO NG TAO - tiyak ang pag-asenso mo. take note, hindi naman lahat ng nagnenegosyo ay umaasenso. kaakibat ng isang matagumpay na negosyo ay ang pagpatok at pagtangkilik ng mga kostumer sa iyong napiling negosyo . nasa bracket na ito sina Henry Sy ng SM, Don Jaime Zobel de Ayala, Lucio Tan, John Gokongwei Junior ng Robinsons, Tony Tan Caktiong ng Jollibee ,Ray Kroc ng Mc Donalds at Bill Gates ng Microsoft siyempre na mga super bilyonaryo at laging nasa Fortune 500.

3.) KUNG IKAW AY MAG-AARTISTA AT SISIKAT - kasama na kung ikaw ay mapapasok sa showbusiness industry, malaki ang tsansa mong umasenso. kasali rin dito ang mga direktor, prodyuser, fashion designer,scriptwriter o kahit sinong production people na pumapasok sa showbiz ay puwedeng umasenso dito. but take note, hindi naman lahat ng nag-aartista o nasa showbiz ay yumayaman. yung mga sumisikat lang. at kadalasan, hindi rin pasaporte na kapag sumikat ka ng husto ay yayaman ka ng bonggang bongga. depende rin ito sa pag-iimpok mo at paggamit o paggasta mo sa perang iyong nakukuha mula dito bilang isang showbiz people. kabilang sa mga lupon dito sina Dolphy, Fernando Poe Junior,Sharon Cuneta, Mother Lily Monteverde, Vic Sotto, Willie Revillame at halos lahat ng mga tao na nasa Hollywood industry at laging nasa watchlist ng BIR at IRS.

4.) KUNG IKAW AY MAGIGING PULITIKO AT MANGUNGURAKOT - bato bato sa langit, ang tamaan, guilty he he he he. usually kapag ang isang simpleng tao ay pumasok sa mundo ng pulitika ay biglaang yumayaman, hane? anong klaseng madyik kaya meron sa Politics, especially, Philippine Politics, at nagiging instant millionaire ang mga taong nag-eenter dito, huh? marami na ang yumaman dahil sa pulitika. at take note ha, hindi lang basta mayaman , kundi super-mega-jumbo-gigantic-humongous na mayaman huh. magpapangalan ba ako ng mga taong kasama dito? huwag na lang baka may mga mag-reak he he he he.


5.) AND LAST BUT NOT THE LEAST, IF YOU'RE JUST DAMN SO LUCKY - oo , kung tinamaan ng lintek na sobrang suwerte mo,tiyak yayaman ka. iyon bang mga taong kahit hindi naman masydong nagsisikap ng husto sa buhay, pero tila ba may dalang payong sa pagsalo ng mga swerte sa mundo. kabilang sa mga ito yung tumama ng jackpot prize sa lotto at iba pang mga pa-raffle. o yung mga taong nananalo ng milyones sa slot machine . o yung mga nananalo sa ibat-ibang pakontes at paligsahan kahit wala namang mga karapatan he he he he ( si William Hung ng American Idol ang best example dito devah? ) at kasama na rin sa mga masusuwerte iyong mga nakakapangasawa ng mga mayayaman at bilyonaryo kung kaya't naaambunan din sila nito ng yaman nila, debah naman? mga pangalan? o huwag kang mag-rereact ha, dahil Melai Cantiveros isasama kita sa listahang ito he he he. but in fairness , deserved naman ng bruhang ito ang kasuwertehang tinatamasa niya kahit 'di niya masyadong keri ha ha ha ha, peace Melai. ngunit pinakamaswerte na yatang tao sa buong mundo itong si Evelyn Ryan ng Ohio, USA pero hindi umasenso , bakit? panuorin n'yo ang pelikulang Prize Winner Of Defiance, Ohio, para malaman n'yo ang kasagutan.siya ang masasabi kong maswerteng malas.

Ngayon , agree ba kayo sa aking listahan?

Bahala kayo, basta para sa akin, ganito kung paano yumayaman ang isang tao dito sa mundo.

Yun na!

No comments:

Post a Comment