TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 2, 2010

Lindol naman sa Chile

Isa na namang napakalakas na lindol ang tumama nitong February 27 and this time ay ang bansang Chile naman ang napuruhan.


Ito ay umabot ng 8.8 magnitude sa Richter Scale at nagdulot ng tsunami sa buong Pacific Ocean at nakaapekto sa 53 bansa kabilang na ang Pilipinas.( For the record, sa Chile rin naganap ang pinakamalakas na naitalang lindol sa buong mundo: Ito ay ang Great Chilean Earthquake na nagrehistro ng 9.5 sa Richter Scale at nagresulta sa kamatayan ng halos 600,000 katao sa maraming bansa , kasama na ang Pilipinas, nuong 1960.)

Ayon sa huling ulat ay 708 na at tumataas pa ang bilang ng mga namatay mula sa nasabing lindol. Sinasabi rin na di hamak na 500 beses na mas malakas ang nasabing lindol sa Chile kaysa sa lindol na naganap kamakailan lamang sa Haiti na nag-iwan ng mahigit sa 200,000 katao na namatay.

Ang diperensyang ito diumano sa datos ng fatalities at damages mula sa dalawang bansa ay dahil sa disaster preparedness ng dalawang bansang nabanggit na tinamaan ng lindol.

Hindi kasi masyadong napaghandaan ng gobyerno ng mahirap na bansang Haiti ang ganitong mga sakuna kung kayat libu-libo ang namatay sa kanilang bansa. Dagdag pa na mas mahina ang pundasyon ng maraming mga kabahayan at gusali sa Haiti kaysa sa Chile.

Kaya naman napakahalaga na ngayon pa lang dito naman sa Pilipinas ay ibayong paghahanda na ang gawin sakaling tumama man dito ang isang malakas na lindol . Ang mga earthquake drill ay mabuting ipatupad sa mga pangunahing gusali tulad ng mga malls, towers, skyscrapers, eskuwelahan, simbahan at maging sa mga kabahayan kung ano ang nararapat na gawin sakaling lumilindol.

Unang una na nararapat ay ang presence of mind at hindi pagpapanic sa oras ng ganitong mga kalamidad. Mahalaga na alam mo kung ano ang gagawin mo sa ganitong mga pangyayari. At mahalaga ring malaman mo kung ano ang kailangang mga gamit na ihahanda upang magamit sakaling magkaroon ng kakulangan sa mga supply tulad ng pagkain,tubig, ilaw o gasolina para sa sasakyan . Makabubuti rin ang pag-inspeksyon sa mga gusali at imprastraktura tulad ng mga tulay,kalsada, overpass, skyway atbp. dito sa buong Pilipinas nang sa gayon ay malaman natin kung ano ang hindi ligtas at ligtas na gamitin sa ating mga pasilidad.

Higit sa lahat siyempre ay ang panalangin at pagtitiwala sa Poong Maykapal.
Kabilang pa naman ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire kung saan nagaganap ang mga pinakamapaminsalang lindol sa buong mundo. At nauna na ring inanunsyo ng Phivolcs ang maaaring paggalaw ng Marikina Fault Line dahil sa ilang taon na nitong pananahimik. Kumbaga, hinog hinog na ang pressure na naiipon dito para muling gumalaw.


Inaasahan na natin ito. Hindi lamang natin alam kung kailan at anong oras ito darating. Kaya ang pinakamainam sa lahat ay ang maghanda at manalangin.

We are at the mercy of our God. And our environment.

Kaya nga ako hindi na muna masyadong pumapanhik sa mga matataas na building eh. Mahirap na baka duon pa ako abutan ng lindol at matabunan.

Matanong ko nga pala, may nakahula ba tungkol sa dalawang magkasunod na lindol na naganap?

Oh, nagtataas na naman ng kamay yung mga false prophets and doomsayers diyan huh.

Magbago na kayo!

No comments:

Post a Comment