TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 5, 2010

Jackie Chan

Napanuod ko sa DVD ang latest Hollywood offering ng paborito kong Asian na si Jackie Chan ang Spy Next Door.

As usual bongga at pabulosa na naman ang mga stunts na ginawa ng beteranong Martial Artist mula sa Hong Kong.

Bata pa lamang ako ay kinagigiliwan ko na ang mga nakakabilib na stunts na ginagawa nitong si Jackie sa kanyang mga pelikula. At ang nakakatuwa ay walang daya at siya mismo ang gumagawa ng nasabing mga death defying stunts na minsan ay naglagay na rin sa peligro sa kanyang buhay.

Malayo na rin ang naabot ng humble action star na ito na maging ang Hollywood ay napenetrate kung saan sila lamang ng kanyang kakontemporaryo na si Bruce Lee ang nakagawa bilang mga Asian heroes.

Bagamat manipis lamang ang istorya ng nasabing pelikula, tiyak na mabubusog ka naman at maaaliw sa mga panibagong mga daredevils na ginawa dito ni Jackie.

At siyempre dagdag aliw ang signature at very classic nang bluffs and bloopers sa end credit ng pelikula na naging tatak na ng bawat pelikula ni Jackie Chan.

Hurrah for Jackie Chan. Patunay na ang mga Asyano ay talentado at puwedeng makipagsabayan sa mga lahi na nasa Kanluran pagdating sa kahusayan.

No comments:

Post a Comment