TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 7, 2010

The first ever Ultimate Talentado is......

Tinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Talentado nitong Sabado ng gabi si Yoyo Tricker sa Talentadong Pinoy Battle of Champions sa TV 5 na ginanap sa Cuneta Astrodome.

In fairness , impressive ang line-up ng performers ng show na ito ni Ryan Agoncillo na dili iba't siyang nagpasimula ng mga talent search dito sa Pilipinas. Worth mentioning ang opening production number na nagmistulang Las Vegas ang buong stage dahil sa pagiging pabulosa nito, at gayundin ang belly dancing special number ni Miss Lucy Torres na hanep ang katawan at bonggga kung gumiling ang balakang, truly , she is the diva of dancing!

Naglaban-laban ang 7 Hall of Famers at isang Wildcard Bet na si Jackielyn para sa titulong Ultimate Talentado na ginawaran ng isang milyong pisong papremyo mula sa bulsa ni ABC President Manny Pangilinan, na talagang pinapabongga ang kanyang istasyon!

Unang nagperform ang Far East Acrobats na binubuo ng isang buong pamilya na bihasa sa acrobatic stunts na talaga namang pang-world class ang dating at mistulang nanonood ka na ng performance ng Cirque du Soleil sa kanilang husay at galing.





Sumunod ang de-kalibreng pagbabalagtasan ni Makata Tawanan na hanep ang galing sa pag-blend ng comedy at humor sa kanyang pagtutula.





Sumunod ang biritera at belter na si Leah Patricio na mahihiya si Celine Dion sa taas at timbre ng boses ng babaeng ito.





Next, comes Omar, The Ladder Balancer na nagpakitang gilas sa pagbalanse sa itaas ng isang hagdanan.

At si Wanlu na nagpakita ng kahusayan sa Ventriloquism kasama ang kanyang puppet na si Nicolo.





Sumunod na nga si Yoyo Tricker na talaga namang nagpanganga sa mga audience sa galing niyang mag-manipulate ng kanyang yoyo na tila ba ito ay may sariling isip at kasabay ng kaniyang choreography ng medley ng Michael Jackson hits.





Hindi rin naman nagpahuli ang mga maiinit na chicks ng Tribal Dancers na nagpasunod sa apoy bilang kanilang alipin.





And of course,last but not the least, ay ang wildcard contender na si Jackielyn, na bagamat bulag na mula sa kanyang pagsilang, ay nagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang madamdaming pag-awit na hindi hadlang ang kapansanan upang magwagi sa isang paligsahan o kompetisyon.





Sa kahuli-hulihan, matapos ang halos tatlong oras na pag-usad ng palabas ay itinanghal sa wakas si Joshua Davis o mas kilala bilang Yoyo Tricker bilang kauna-unahang Ultimate Talentado ng show na ito.

Dahil sa show na ito ay dito ko napagtanto na marami pala sa mga Pilipino ang may likas na mga talento na naghihintay lamang na madiskubre ng publiko. Salamat sa ganitong mga palabas na nagdidiskubre ng mga talento upang maipakita natin sa mundo na maging ang mga Pilipino ay may husay at angking galing na maipapamalas at maipagmamalaki sa buong mundo.

Congratulations Yoyo Tricker at Congratulations Talentadong Pinoy for showcasing real Filipino talent.

Mabuhay ang Pilipino!

No comments:

Post a Comment