TRAVELBOOK NOW!

Monday, March 1, 2010

Fire Prevention March

First day of the Fire Prevention Month ngayon ng buwan ng Marso.

Sa mga ganitong panahon at buwan nagaganap ang pinakamaraming sunog sa buong Pilipinas, kaya't pinag-iingat at pinaaalalahanan ang bawat isa.

Ang sabi nga nila, ay 'di baleng manakawan ka na huwag lang masunugan. Dahil kapag ninakawan ka , may matitira pa. Pero kapag nasunugan ka, wala itong ititirang mapapakinabangan mo, lahat masusunog.

Sa awa ng Diyos, hindi pa naman namin naranasan ang masunugan. Nanakawan, ilang beses na. Pero ang masunugan , hindi pa , huwag naman sana.

Naalala ko iyong malaking sunog na naganap nuon sa boundary ng Kalookan at Maynila circa 1970's. Musmos pa lamang ako nuon at nasa elementarya, pero damang dama ko ang hirap ng kalooban ng mga nasunugan na malapit sa amin. Halos tumagal ng isang araw ang sunog na iyon na ikinadamay pa ng eskuwelahang aking pinapasukan nuon. At nang sumapit ang gabi na hindi pa rin napapatay ang malaking apoy, kitang kita sa aming lugar ang nagngangalit na apoy pati na ang umiihip na alipato at baga mula sa mga nasusunog na kabahayan.

Kinabukasan, nakapanghihina ang iniwang tanawin ng bakas ng pinsala sa malaking bahaging iyon ng Maynila at Kalookan.


Naranasan na din ito ng aking tiyahin na nasunugan ng kanilang bahay diyan sa Tondo. Nalimas at naabo ang lahat ng gamit at pinaghirapang ipinundar ng aking tiyuhin mula sa Saudi dahil sa sunog na iyon. At dahil sa sunog na iyon, hanggang ngayon ay nahihirapang makabangon ang aking tiyahin mula sa kapaitang sinapit sa pagkatupok ng mga kanilang ari-arian.

At sino ba ang makakalimot sa Ozone Tragedy na ikinasawi ng ilang daang kabataan at Quezon City Manor Hotel Incident na ikasawi ng ilandaang mga Born-Again Chrisitian na nagpalipas lamang ng gabi sa nasabing hotel at magpahaggang ngayon ay nag-iwan ng pilat at trauma sa mga naulila mula sa nasabing insidente.
Kaya't isang matinding paalala ang hatid ng espasyong ito para sa buwang ito. Ang apoy ay mabuting kaibigan pero masamang kaaway.

At para naman sa mga taong mahilig maglaro ng apoy: Huwag maglalaro nito kung ayaw ninyong mapaso.

Today is the start of a Fire Prevention March!

No comments:

Post a Comment