TRAVELBOOK NOW!

Monday, March 8, 2010

82nd Academy Awards.....and the winners are......

Sa wakas natapos din ang anticipation ng marami sa kalalabasan ng pang 82nd Oscar Awards presentation na idinaos sa Kodak Theatre sa Hollywood, California.

Katulad ng fearless forecast ng nakararami at trending sa bawat Oscar Awards Giving Night, kung kaya naman marami sa kanila ang hindi sumablay sa kanilang mga "hula" kung sino nga ang mag-uuwi ng coveted Oscar Trophy at ididisplay sa kani-kanilang mga mansion.

At hindi nga sila nagkamali, lumabas ang kanilang mga hula ayon sa pagkakasunod.

As predicted, nag-uwi nga ng maraming karangalan ( 6 ) ang pelikulang The Hurt Locker na tungkol sa giyera sa Iraq including Best Picture, Director ( Kathryn Bigelow ) at Original Screenplay ( Mark Boal ).

Tulad ng inaasahan, inisnab ng Oscars ang bet ng marami, including me, na Avatar dahil sa pagiging "unfavorite" ng direktor nito na si James Cameron sa mga hurado. Imbes, nanalo ang kanyang ex-wife na si Kathryn Bigelow bilang direktor.


Winner din ang bet namin na Precious: Based on the Novel "Push" by Sapphire para sa Adapted Screenplay at Supporting Actress kay Mo'nique para sa napakagaling na pagganap
bilang dysfunctional mother ni Precious.

Of course naman , runaway winner bilang Best Actress ang paborito ko na si Sandra Bullock as Leigh Anne Tuohy para sa pelikulang The Blind Side na isa sa best film ko para sa taong 2009.

Ang iba pang nanalo ay sina Jeff Bridges for Best Actor para sa pelikulang Crazy Heart , Best Supporting Actor si Christoph Waltz para sa Inglourious Basterds, Up bilang Best Animated Feature at El Secreto De Sus Ojos ng Argentina para sa Best Foreign Language Film.

Swak na swak sina Steve Martin at Alec Baldwin bilang mga hosts na walang tigil sa pagpapatawa. At ang mga presentation, wala kang itulak kabigin sa ganda at bongga.

Isa rin sa inaabangan sa bawat Oscar Ceremony ay ang Fashion Style ng mga umaattend dito. Nagmimistulang isang malaking Fashion Show ang okasyon na ito na masusing sinisipat ng mga kritiko mula sa fashion industy.
This year, stand out sina Sandra Bullock, Miley Cyrus, Jennifer Lopez,Zoe Saldana at marami pang iba bilang mga Fashion Icon sa elegante at gara ng kanilang mga kasuotan.
Isa itong yearly event na inaabangan ng marami. Mula sa humble beginnings nito nuong May 11, 1927, isa na itong red carpet event na taunang idinadaos nang engrande at magarbo. Kapag nagkaruon ka ng kahit isang trophy ng Oscars ,ibig sabihin nito ay made ka na bilang isang certified true artist of our time. Kaya naman pinakaaasam-asam ito ng marami sa entertainment industry, hindi lang sa America , bagkus sa buong mundo.

Walang makatutulad sa kinang at kislap ng bawat Oscar Awards Ceremony. Kaya naman sa mga nakapasok sa circle of Oscar winners, isang masigabong Congratulations at Palakpakan para sa inyo!

No comments:

Post a Comment