TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 18, 2010

Tatlong Mata sa Pagpili ng Kandidato

Karaniwang paksa sa mga kampanya ngayong Halalan 2010 ay ang pagiging magnanakaw.

Ang sabi ng iba , hindi daw sila magnanakaw. Ang iba, hindi daw sila nagnakaw. Ang iba magnanakaw pa lang, este, nagnakaw na, este, mali pala, wala nang mananakaw, dahil nanakaw ko na lahat , este , ahahayyy . Ano ba talaga Big Brother?

Corruption, iyan daw ang sanhi ng kahirapan sa bansa. Sa isang punto , tama din naman.Dahil kung walang corruption o pagnanakaw, lahat ng pera ng bayan ay mapupunta sa dapat kalagyan, hindi sa bulsa lamang ng iilan.

Kaya nga ang slogan ng maraming kandidato ay patungkol sa hindi pagnanakaw o anti-corruption daw sila!

Pero para sa akin, ang basehan ng isang mabuti at magaling na kandidato ay hindi lamang dahil sa hindi siya corrupt. Dahil puwedeng hindi ka nga corrupt ,pero paano ang mga kakampi o mga kasama mo sa gabinete. Masisigurado mo ba na pati sila ay hindi magiging corrupt tulad mo?

Kaya para sa akin, Tatlong Mata ang kailangan sa pagpili ng mga kandidato itong darating na halalan.

TATLONG MATA:

MATAPAT
MATALINO
MATAPANG

....iyan ang mga qualities na hinahanap ko sa isang kandidato.

Hindi lang sapat ang MATAPAT.


Dapat MATALINO din. Alam niya kung paano dadalhin sa kaunlaran ang bansang ito na lugmok sa kahirapan. Alam niya kung paano dumiskarte ng mga paraan upang maiahon sa kahirapan ang kanyang mga nasasakupan. Dapat may sapat na kaalaman sa pagpapatakbo ng isang bansa, hindi lamang ng isang bayan o lalawigan. Ibang iba ang Bansa sa isang bayan lamang o probinsya na napamunuan.

Dapat din MATAPANG- hindi iyung isang pitik lang ng mga kalaban ay bahag na ang buntot na uurong sa laban. Dapat hindi lelembot-lembot. May prinsipyo at paninindigang ipinaglalaban at sinasandalan. Hindi umaatras sa hamon ng mga katunggali. Buo ang loob gaano man kalakas o kapuwersa ang mga buktot na kasamaan.

Iyan ang mga katangiang hinahanap ko sa isang kandidato.

TATLONG MATA DAPAT.

Huwag lang ang ikaapat na mata isasali huh! Ano iyon?

MATAKAW!!!

Ikaw, may TATLONG MATA ba ang iyong kandidato?


Suriin at alamin, dahil nakasalalay sa mga MATANG ito ang kinabukasan ng ating bayan!!!!

VOTE WISELY AND DETECTIVELY!!!

1 comment:

  1. Thank you so much!!.. you have a very nice blog!!..keep it up!!.. god bless sa inyo!!

    ReplyDelete