TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 19, 2010

Smartmatic Machine.....Bilog na Hugis Itlog

Maganda ang proposal ni Wowowee host Willie Revillame na dalhin sa studio nito ang mga Smartmatic Machine na iyan na gagamitin sa automated election itong darating na halalan sa Mayo 10.

Ilang buwan na nga lamang, kulang kulang tatlong buwan, ay magbobotohan na pero ang mga botante ay wala pang nalalaman kung paano gagamitin ang mga makinang iyan na tila mga taga - Comelec lang ang nakakaalam kung paano iooperate.


Magandang i-educate ang mga botante ngayon pa lang nang sa gayun sa araw ng halalan ay hindi ma-ignorante at tumagal ng ilang minuto ( at least daw aabutin ng 15-20 minutes kada botante bago makaboto ) sa loob ng presinto nang sa gayun ay mabilis lang ang turn-out ng mga registered voters.


Hindi katulad kung gagawin lamang ito ng mano- mano ay baka umabot na ng halalan ay ignorante pa rin ang mga botante tungkol sa bagong gadgets na ito ng pamahalaan.

Kung hindi man nila ito maipadala sa show dahil sa kung anong kadahilanan, puwedeng mag-video na lamang sila ng actual na paggamit nila ng machine na ito at tapos ipadala nila ang video footages nito sa mga shows na willing magpalabas nito ng libre tulad nga ng Wowowee.


Mas maraming Pilipino ang nakakapanuod ng mga shows na ito kung kayat tiyak na mas maraming maaabot at matuturuan nitong mga botanteng Pilipino.

At sana hindi lamang Wowowee, bagkus ay gumaya din ang ibang show tulad ng Eat Bulaga na magpalabas ng mga video kung paano gawin ang automated voting sa Mayo 10.

Hindi naman sapat ang video ng Sex Bomb Girls na tungkol sa Bilog na Hugis Itlog dahil ni hindi pa nga ito napapanuod sa primetime TV kung saan mas maraming bilang ng mga TV viewers ang nanunuod.

Bilang pakikiisa ay inupload ko rito ang video nitong Bilog na Hugis Itlog para mas maintindihan ito ng mga botante.



Ang mga mock elections naman na ginagawa ay ilan ilan din lang ang natuturuan at sa ilang lugar din lang ginaganap.

Magtulungan tyong lahat nang sa gayun ay maging matagumpay ang ating pag-eexercise ng ating karapatan sa pagboto ng mga taong mamamahala sa atin.

Ngayon ang umpisa. Simulan na dapat ito at tumugon na agad ang Comelec sa panawagang ito.

Let us vote wisely, Filipino people!!!!

No comments:

Post a Comment