TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, February 9, 2010

Si Medyas

Mahilig ako sa pusa. At hindi lang basta pusa, itim na mga pusa.

Mysterious,captivating,charming and elegant kasi ang mga itim na pusa.


Sabi nila , malas daw mag-alaga ng itim na pusa. Kapag nakasalubong ka daw ng itim na pusa sa daan, lalapitan ka ng disgrasya. Black cats are also associated with evil and witch stories all over the world. Ang sabi nila , ang mga bampira daw ay nag-aanyong itim na pusa minsan.

Pero wala akong pakialam sa lahat ng ito. Basta love ko ang mga pusang itim, period.


Kaya naman ang latest alaga kong pusakal na si Medyas ay labis kong minamahal. Medyas ang ibininyag ko sa kanya dahil may dalawang puting medyas siya sa paa.

Mahusay manghuli ng daga si Medyas. Kapag pumipikit na ako at matutulog ay nasa ulunan ko na siya at ako'y binabantayan.

At kapag patay na ang ilaw , tanging nagliliwanag at kumikinang na dalawang bilog na mata niya ang nakikita ko sa karimlan.

Ilang pusang itim na ang aking nakita at inalagaan. Ang sabi nila ang pusa daw ay may siyam na buhay.

Ngunit nakapagtataka, lahat ng pusang iyon ay nangamatay na , pero ako ay humihinga pa rin?

Hindi kaya ako ang may siyam na buhay, ha ha ha ha ha!

No comments:

Post a Comment