TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 4, 2010

Senator Lacson...wanted?



Lumabas daw ng bansa kamakailan si Senador Panfilo " Ping " Lacson at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik at wari'y hindi na matunton ang eksaktong kinaroroonan nito at sinasabing nagtatago na at iwas pusoy para kaharapin ang kasong kanyang kinasasangkutan.

Matatandaan na isa sa pinagbibintangan at isinasangkot sa kasong pagpatay kay PR man Salvador " Bubby" Dacer at sa driver nito na si Emmanuel Corbito nuong taong 2000 na natagpuang walang mga buhay sa Cavite.

Mga miyembro ng PAOCTF ang sinasabing pumatay sa magaling na publicist na siyang pinamumunuan nuon ni Senator Lacson habang nasa ilalim ng termino ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang ilan pang isinasangkot sa nasabing kaso na sina Glen Dumlao, Cesar Mancao , Michael Ray Aquino at maging si dating Pangulong Erap Estrada ay may kanya-kanyang rebelasyon at nalalaman tungkol dito na direktang nagsasangkot sa nasabing Senador.


Bilib ako sa ipinapakitang katapangan at kaastigan ni Senator Lacson lalo na sa mga isyu tungkol sa katiwalian at paglaban sa mga maling patakaran sa burukrasya ng lipunan. Ngunit dahil sa "pagtakas" na ito ni Lacson sa kasong kanyang kinakaharap ay tila ba nawalan ng "yagbols" ang dati'y matapang na Senador.
Sayang, ibinoto pa naman siya ng taumbayan para sila ay ipaglaban, subalit tila ngayon ay wala na silang maaasahang anghang mula kay Lacson. Tila ba nabahag ang buntot na nagtatago ngayon ang butihing Senador.

Ang kanyang kalatas ay dahil daw sa may nagnanais na siya ay ipapatay dito sa bansa ng rehimeng Arroyo kaugnay sa nasabing kaso kung kayat nagawa niyang umalis at magtago sa ibang bansa. Nanganganib daw ang kanyang buhay sa ating bansa.


Ang sa akin naman, wala kang dapat ikatakot kung talagang inosente ka at walang kinalaman sa nasabing pagpatay. Kung mamamatay ka , harapin mo ito ng buong tapang at gilas maipakita mo lang at mapatunayan sa lahat ng Pilipino na hindi ka isang mamamatay-tao.

Tama na ang mga alibis and excuses tungkol sa grand scheme na planong pagpatay sa iyo. Kung kailangan kang mamatay dito sa bansa , walang problema, kung ito ang tanging paraan para maipakita mo na tutoo lahat ang sinasabi mo. At saka paano na ang iyong pagganap sa sinumpaang tungkulin mo sa mamamayang Pilipino.

Tandaan natin na ang pagtakbo at pagtakas ay isang senyales ng karuwagan at kahinaan kahit ano pa ang italukbong mo dito.

Kaya kay Senador Panfilo " Ping " Lacson isang panawagan lamang: bumalik ka dito sa bansa at harapin lahat ang kasong ipinupukol sa iyo nang sa gayon ay hindi mawala ang paggalang sa iyo ng iyong mga kapwa Pilipino. Dahil kahit saan ka man magtago at magkubli, iisa lamang ang siguradong uusig at hindi magpapatahimik sa iyo - ang iyong budhi at kunsensya!


At sabi nga ng iyong numero unong kritiko na si Rosebud Ong - " kahit saan ka man magpunta, magpasex-change ka man, hindi mo pa rin matatakasan ang mahabang kamay ng batas "






No comments:

Post a Comment