TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 13, 2010

PBB Double Up Big Winner


Sa wakas at nagtapos na din ang mahigit apat na buwang pagsasaere ng Pinoy Big Brother Double Up sa Channel 2.

Ginanap ang Big Date on the Big Night kanina sa Ninoy Aquino Stadium na dinaluhan ng sangkaterbang big stars bago ini-announce ang Big Winner sa katauhan ni, sino pa ngaba , kundi si Melisa " Melai " Cantiveros ng General Santos City.



Halos magli-limang buwan ding tumagal ang natirang Big 5 sa loob ng bahay ni Kuya na halos ikaburyong nila.

Pero sulit naman dahil sa mga premyong matatanggap ng mga nanalo.

Buong puso ring sinubaybayan ng madla ang pagpapakatutoo ng mga housemates sa bahay ni Kuya.

At sa wakas ,ngayon nga ay ini-announce na mula sa natirang Big 5 ang Big Winner. Ayon sa pagkakasunod: pang lima si Tibo, pang-apat si Johan, pangatlo si Jason, pangalawa si Paul Jake at Big Winner nga ang funny lady from Gensan na si Melisa, base na rin sa text votes na nahamig nila.

Para sa akin, deserving naman si Melai sa kanyang pagkakapanalo dahil ipinakita niya ang kanyang angking galing at talino sa lahat ng mga pagsubok at tasks sa loob ng Bahay Ni Kuya. Besides being funny and comic, she is adorable and admirable in her own way.

Marami din tayong natutunan tungkol sa mga housemates: magmula sa kani-kanilang mga buhay na ibinahagi sa atin ,sa kanilang mga hang-ups, struggles and issues na ibinulatlat at idinetalye sa harapan ng kamera, kanilang mga kasiyahan, kalungkutan, pakikisama, pakikipaglaban, pag-ibig,pagpapakatotoo at higit sa lahat ang kanilang pagtitiis at pagtitiyaga na ngayon ay nagbunga bilang mga big winners sa puso ng bawat Pilipino.

Sa lahat ng mga naging bahagi ng Pinoy Big Brother Double Up, housemates ka man o simpleng tagasubaybay ng programa; lahat tayo ay Big Winner in our own little way!

...Ibang iba ang Pinoy
Huwag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako
Pinoy tayo....

No comments:

Post a Comment